grabe na ito. 2 days na akong nilalagnat at masakit ang katawan. kung hindi ko lang talaga kailangang mag-check ng email (hinihintay ko kse reply na mahal ko eh…) eh hindi na muna ako tatapat sa pc ko. sakit kse sa mata, at eventually masakit sa ulo.
hay.
neweis. wala ako magawa knina, kse hinde ako nakapasok, kse nga may sakit po ako. kaya yun sa sobrang kaboringan ko dito sa bahay, i decided to clean up may cabinet. wala lang just to sweat myself a little at para maalis na rin ang mga walang kwentang mga bagay bagay sa mga cabinet ko.
nakakatuwa. nadaanan ko kse yung memorabilia box ko ng isa sa mga ex ko. wala lang, kakatuwang mabasa yung mga letters nya sa akin. at may na-realize ako. same ang angal ng ex ko sa akin sa mga angal ni bew sa akin. (except sa pag-aaway namin sa mga gurls. hindi kse selosa yung ex ko). which means, hindi pa rin talaga ako nagbago. ganun pa rin ako. self-centered, insensitive, liar. and the same time kung ano yung nagustuhan nung ex ko sa akin eh yun din ang mga qualities na nagustuhan ni bew sa akin. hindi pa rin talaga ako nagbabago.
gumawa rin ako ng bagong memorabilia box, para kay bew. nakalagay na doon lahat ng mga letters nya, mga notes, mga kung anu-ano na nagpapaalala sa akin ng mga pagkakataon na magkasama kami. nakalagay na rin doon mga pictures nya, pictures namin. hindi ko alam kung ginawa ko iyon dahil bumibitaw na ako. cguro gusto ko lang na maayos mga memories nya na nakalagay dun sa cabinet ko. isang buong drawer, laman ang memorabilia box at ilan pang mga bagay bagay na patungkol sa kanya. parang ang puso ko na ibinibigay ko sa kanya ng buong buo.
putcha. ang drama.
tama na nga. sumasakit na mata ko sa kakatitig sa monitor. di naman kse pwedeng gumawa ng blog post ng nakapikit diba?
Leave a Reply