post #17

June 27th, 2005 | Uncategorized |

hay..

sakit ng ulo ko. sakit ng katawan ko. nilalagnat pa. kapag minalas ka nga naman, tuloy-tuloy. murphy’s law nga ba ang tawag dun? ewan.

neweis… dito lang ako ngayon sa bahay. pinipilit ang sarili ko na mag-online kahit na masakit sa ulo. pinipilit sumabay sa kantang "halleluja" kahit masakit sa lalamunan. pinipilit maglakad-lakad sa bahay, kahit masakit sa katawan. okeis na ito, kaysa nman ibang sakit pa ang umatake sa akin.

simula kagabi, pagkatapos naming mag-usap (or rather, me BEGGING for her to have me back) eh walang tigil na akong nagte-text sa kanya. sobrang kaka-isip ko eh na-wrong send pa ako ng isang beses sa kanya. kaso wala akong natanggap na kahit na isang reply. nagtaka ako, syempre. yun pala, hindi na yung same SIM ang ginagamit nya.i dont know if yung dating number nya ang ginagamit or bumili ng bagong SIM. ewan.

sabi nya, nahihirapan raw sya kapag nagmamakaawa ako sa kanya. ako kaya? naisip nya kaya na nahihirapan ako bawat pagkakataon na naiisip ko na may kasama syang iba? ewan.

sabi nya kagabi, na-trauma na raw sya sa akin. gusto nyang bumalik, pero hindi na nya kayang bumalik. ang sakit. di ko kinaya. tanga-tanga ko talaga. at ngayon, halos araw araw akong nababaliw dahil sa katangahan na ginawa ko.

sabi nya, bakit daw hindi ko subukang humanap ng iba. kay bilis ko raw na magdesisyon dati na palitan sya, mas madali na raw ngayon yun dahil may iba na rin daw sya. ang totoo, sinubukan kong maghanap. pero walang kwenta. mas iniisip ko pa sya kaysa sa mga kasama ko. inaaliw ko ang sarili ko sa company ng iba, pero malingat lang ako sandali, sya na naman ang frontpage ng utak ko.

honestly, i know na maliit na talga ang chance na magkabalikan kami. pero matigas ang ulo ko eh. di pa rin ako nawawalan ng pagasa. alam ko na ngayon ang gusto ko at kailangan ko. hindi pwedeng wala akong gawin.

hay.



Leave a Reply