sabi lang nila yun. marami ring cool ang hindi nman "blonde". kahit na gawang pinoy, cool pa rin. parang yung pinoy blonde na movie. yun, asteeg. asteeg ang biswal, asteeg ang casting, asteeg ang dialogues, asteeg pa rin si peque.
eneweis, ayoko nang magpaka-psuedo-movie critic dito. basta ako, nagustuhan ko yung pinoy blonde. on a roll na tlaga ang Unitel. sana maganda rin yung susunod nila, yung "Nasaan Si Francis."
kakatapos lng ng demo namin para sa thesis, isa nalang (hopefully) at ready na kami sa defense. may tinatapos pa kaming "surprise" para sa system namin, sana magustuhan ni ma’am pearl at ng office of civil registry (para sa knila kse yung system na ginagawa namin). overall, mga 94% na kami, parang ganun. hindi ko alam kung eksakto yun, tantsahan lang. hehehe.
sa ibang istorya, ganun pa rin. loveless pa rin. tanga pa rin. umaasa pa rin and at sa same time letting go (parang ang gulo noh? magulo talaga utak ko). nagsusulat pa rin sa blogsite na ito. wala na kse akong magawa online. hindi na ako makapaglaro ng gundbound, busy busy busy na kse. malapit ng matapos ang academic life ko, sa wakas naman. kitakits na lang tayong lahat sa finals. hehehe.
nagiisip ako na magsulat ng istorya, pero dito ko sa blogsite isusulat. kapag natapos ko na ang chapter one, ipo-post ko na. tapos tuloy tuloy na. hehehe.
hay.. cge na. tama na ito. mauubos na load ng prepaid card ko. nyahaha!
Leave a Reply