hay…
ilang araw na lang at defense na, pero hindi ko pa rin tapos yung last module na kailangan namin para sa system namin. kakaasar naman kse, biglaan ang pagdagdag, wala sa schedule, wala sa plano… wala sa hulog… kaya malamang, wag naman sana, baka mahulog rin kami. nyahahah!
neweis, bahala na si batman. kung matapos, eh di maganda. kung hindi, eh di re-schedule. yun lang, baka 1.75 na lang ang pinkamataas na makuha if re-schedule. hay.. asar. naknamputsa kse yung mga ungas sa administration na hinaharang ang grupo namin eh, hassle. dapat may immunity kami sa demonyong bagong rule na inemplement nila. poocha talga.
kahapon, nanuod ako ng "The Island." asteeg. medyo sensitibo yung topic na tinatalakay, human cloning at ang moral effects nito sa mga clones at sa society. kung may clones na nga, maikukunsider kaya natin sila na tao rin? hmm.. depende cguro kung sinong tatanungin. mas lalong kumplikado kung tatanungin mo mga relihiyoso at iba pang religious groups. para sa akin, medyo dangerous grounds ang cloning, though i would have to admit, marami itong maitutulong. ang kailangan lang talga cguro ang mga strict laws na mag-gogovern sa "production" ng clones o clone parts. ewan. blah blah blah. hehhe. saka ang ganda talaga ni scralet johansson… hay.. grabe ang lips nya, super luscious, parang sarap halikan. nyahahah! at ang ngiti na yun… hayup. iba ka.
hay… neweis, back to reality.
miss ko na bebeh ko. tagal na naman bago ko yun makikita. asar naman kse yung boylet nun eh, hindi na lang mawala. nyahahah! hay… gusto ko na talgang makalabas ulit na kasama bebeh ko. hay.. di na ako makapag-antay na makita sya. matagal na rin. hindi ko alam kung ano pa ang dapat kung gawin para bumalik na sya at pagbigyan muli yung sa amin. sana may pagasa pa. sana pwede ko pang maibalik sa dati ang lahat.
ok… madrama na naman ako. hehehe.
nga pala, kung may nagbabasa sa blog ko na ito, baka may nakakaalam sa inyo kung papaano ko malalayan ng link LAHAT ng post ko. pati mga luma na hindi na kasya sa page… di ko ma gets eh. hehehe. latsama!
cge na… yun na lang muna.
Leave a Reply