withdrawal syndrome.

July 29th, 2005 | Uncategorized |

its one of those days again.

i have been very uneasy and restless knina pang umaga. dati hindi ko maintindihan ang dahilan, pero nalaman ko rin. kanina, alam ko kung bakit na nman ako tuliro. kse naiisip ko na naman si bew.

alam mo ba yun pakiramdam na parang kang nawalan ng isang bagay na kina-aadikan mo? yung parang withdrawal syndrome? ganun ang pakiramdam ko kanina. at ang droga na hinahanap hanap ko eh si bew. ewan ko. ang hirap ng mga ganitong panahon. yung tipong wala akong magawa kse wala nga nman sya dto. gusto ko syang mayakap pero hindi pwede. gusto ko syang makasama pero iba ang kasama nya (though malimit na silang magkita ngayon, nyahahha!). hay…

ang gusto ko lang naman talga eh mabigyan ulit ng pagkakataon na maipakita sa kanya na bago na ang lahat. na gagawin ko ang lahat para maprotektahan kung ano yung sa amin dati. na gagawin ko ang lahat para maibalik lahat sa dati… at panatilihin yun na ganun.

sabi nya, naiintindihan nya. sana lang, kasama ng pagiintindi na yun ang desisyon na hinihintay ko. kaso hanggang ngayon, malabo pa rin yun. sana maging malinaw na.

neweis…

ilang araw na lang, defense na. at may isang butas pa akong hindi matakpan sa system namin. asar na talga. sana bago dumating ang lunes eh matapos ko na ang problema na yun. goodluck sa akin.

on the lighter side of news. hehehe. nag-install ako ng Sith Lords sa pc ng thesismate ko kagabi. at natuwa ako kse ganda ng graphics ng laro sa pc nya. sa pc ko kse (dahil sa medyo low-end na graphics card) eh hindi ganun ka ganda ang details ng game. na-excite tuloy ako bigla na bumili ng bagong graphics card (kahit GeForce FX 5200 lng muna) para sa mas magandang gaming experience… nyahahah! ^_^

so yun… and for the mean time, habang tinatapos ko ang post na ito, hanap na ulit ako ng source codes para sa thesis ko. nyahaha.



One Response to “withdrawal syndrome.”

  1. Blogwalking ..
    nice posting i found here,.. thanks for the info

Leave a Reply