bew,
alam ko na ayaw mo akong kausapin, ayaw mo akong makita. alam ko na gusto mo na "respetuhin" ko ang desisyon mo na wag na muna akong makulit at hayaan kita na gawin ang gusto mo. pasensysa na lang tlaga at masyado akong makulit. pasensya na kung masyado kong ipinipilit ang mga gusto ko sa iyo. pasensya na talga.
ang gusto ko lang naman talga eh makasama ka. yun lang. gusto ko na nandyan ka sa tabi ko. nahahawakan ko ang kamay mo. nayayakap ka. yung maramdaman ko yung presensya mo na laging nagbibigay sa akin ng pakiramdam na parang wala ng ibang importante kundi yung pagkakataon na iyon na kasama ka. yun lang. yun lang ang hinihiling ko.
lalo na ngayon na ang daming mga dahilan para maging masaya, mas gusto ko na makasama ka. na mai-share ko sa iyo yung kasiyahan na nararamdaman ko. na maipakita ko sa iyo na naging parte ka ng tagumpay na nakuha ko dahil inspirasyon ka ng mga bagay na iyon. kahit na alam ko na malabo, sa likod ng lahat eh hiniling ko na nandun ka noong araw na iyon ng biyernes. na sana nandun ka at kasama ko sa saya na iyon. kasi para sa iyo iyon. natatandaan mo? sinabi ko sa iyo na para sa iyo iyon?
hindi ko alam kung hanggang kailan mo gustong lumayo at manahimik sa sulok ng mundo mo na kung saan eh inalis mo ako. sana hindi na masyadong magtagal. minsan kse hindi ko na lang talga makaya. gusto kitang i-text man lang, kahit yun lang. kaso ayaw mo. minsan parang gusto ko na lang ibalibag ang lintek na celfone na yun para lang hindi na ako magkaroon ng dahilan para i-text ka. gusto kitang tawagan, kaso ayaw mo. gusto kitang sunduin sa inyo, kaso ayaw mo. lintek, hindi ko alam kung gaano ko pa katagal titiisin ito. sana hindi na ito magtagal.
sana bumalik ka na. sana payagan mo na rin ako na bumalik sa iyo. sana bumalik na tayo sa dati.
sana.
-mikko
haay.. neil i know kung gano kahirap ang nararanasan mo ngaun.Lalo na b4 ka matulog na ang iniisip mo e cya at sa paggising mo cya parin. It’s really painful but for d mean time she need space and time for herself.kaya un lang muna pd mo mabigay sa kanya..na in a way mapaparamdam mo parin kung ganu mo cya kamahal kc tinitiis mo ang mga panahong wala cya.Ganyan tlg ngmamahal..eka nga no pain no gain.DArating din sa point na maaayos lahat.