finally.

August 9th, 2005 | Uncategorized |

hehehe…

medyo matagal na rin akong nawala sa sirkulasyon.. pasensya na sa mga readers ko kung medyo natagalan ang update ko dito. well, ito na. sana magenjoy kayo sa pagbabasa.

sa mga hindi pa po nakakaalam, natapos na rin sa wakas ang madugong labanan ng aFG sa thesis. at sa mga hindi talaga nakakabalita, naka-UNO po kami dun sa defense namin! NYAHAHAH! WOHOOO!

ok… sensya na. medyo may hangover pa ng excitement sa mga pangyayaring naganap nuong friday ng gabi, at sa mga magandang nangyari nuong thursday. maraming salamat nga pala sa mga faculty members ng CS na naging malaking tulong sa pagsasatupad ng mga pangyayari noong friday. lalong lalo na kina ma’am PEARL, kay ma’am luz, kay ma’am rich, kay sir rob at kay sir bryan. gayun din sa mga nagpanel sa akin. maraming maraming salamat. babawi pa kami. wait lang. hehehe.

since friday night, hindi pa natatapos ang celebration. mula sa inuman at kainan (w/ sir lorico) sa obando til sa inuman at kainan kinabukasan sa bertdey ng kapatid ko at sa araw araw na tambay at nood sine sa SM. bukas ay may celebration ulit sa apartment (kasama ulit si sir lorico at iba pang grupo ng jpeg) at sa sabado naman ay ang hinihintay na celebration sa bulacan ulit. grabe na ito. hindi pa namin alam kung kailan matatapos ang mga kasiyahan.

pero for the mean time, wala pa kaming gnagawa dito. kaya cguro nagkaroon ako ng time na ma-update ang demonyong blogsite na ito. si ange l rin kse eh, kahapon pa ako hinihiritan na update ko na raw blog ko. wala na raw silang mabasa. mga hunghang. hehehe.

on other topics… hmm. wala namang masyadong nangyayari. yung kay bew, wala pa ring nangyayari. ewan ko ba dun. ayaw pa rin akong kausapin. nagkatampuhan pa. ewan ko ba. bahala na. ayaw nya akong kausapin, fine. at least hindi nya ri kinakausap yung rhyan na yun. hehehe.

sana next month makalipat na ako sa baguio. sana talga matanggap na ako dun. masaya yun. mas marami akong time na ma-update blog ko dun. heheh. ayaw nyo nun? mas marami kayong mabasang walang katuturan dito sa net. dami cgurong bored na s inyo no? kaya pinagtyatyagaan nyo basahin to no? hehehe.

hay…

marami na tuloy akong mga bagay na nilu-look forward. mga work, mga bagong tao na mami-meet, yung pag-aayos namin ni bew, at kung ano-ano pa. sana lang talaga eh magtuloy-tuloy pa ang swerte. ewan ko ba, feeling ko talga, malakas lang ang swerte ko. kaya ako, hangga’t may swerte pa akong nararamdaman, tuloy-tuloy lang ako sa laban. jump lang lagi, take the risk lang. heheh. diba noh?

neweis… yun lang muna cguro. bukas baka mas maganda na ang mga maisusulat ko. mas may kabuluhan.

cge na… til next time.



Leave a Reply