hay…
dito na naman ako bahay. isang linggo lang na naman ang lumipas sa apartment, at hindi ko alam kung bakit parang paunti ng paunti ang nagagawa namin dun. dahil cguro sa kaunti na lang talga ang dapat gawin dun. hehehe.
kagabi nag-linis kami ng apartment. as in overhaul na linisan. nag-mop sa buong floor area. nagde-frost ng ref. nagtanggal ng mga basura at mga kung anu-ano na nakatambak sa apartment. nagkuskos ng banyo. nagwalis. nagpunas. nagtupi. nagkalkal. lahat na yata ng pwedeng linisin sa apartment nilinisan namin.
kaso, nabigla yata ang katawan ko. ayun, nilalagnat ako ngayon. at sinisipon pa. asteeg. hehehe. pero ok lang. at least hindi masyadong masakit ang katawan ko, malamang bukas wala na ang lagnat na ito. sana.
kahapon nga pala, na kina florence ako, longtime friend at soon to be my boss (nyahahah!). bertdey kse ng beybi nya. one year old na. eneweis, yun, nagkita-kita ulit ang ilang mga matitibay kong classmates nung hayskul. akala mo hindi na talga nagkikita ever, ang iingay kse kapag nagkukwentuhan. hehehe. at may ilan pala sa kanila na nababasa blogsite ko. nyehehe, asteeg. kaya binabati ko kayo dyan, mga fwends ko sa einstein batch 98! hehehe.
neweis…
nga pala, sa wakas at natapos na rin ang pasukan. tapos na lahat ng exams. tapos na rin lahat ng requirements ko. and thesis, tapos na rin. lahat ng pwedeng asikasuhin dun, tinapos na namin. pirmahan na lang yata. hehehe. pagkatapos nito, competition naman. bigla kse kaming napasali sa demonyong SGETECH competition na yun eh. malay ba namin na mapipili kami. nyahahaha! goodluck na lang sa amin. malamang next week, sisimulan ng gawin ang version 2.0 ng system namin, para may laban naman kami.. diba?
ano pa ba? hmmm..
yung kay bew? ganun pa rin. hindi pa rin ako kinakausap. matagal pa ang sept 1 (yun yung deadline ng "silence" nya), matagal-tagal pa ang aantayin ko bago ko sya makausap ulit. ewan ko ba. minsan natuturete na lang ako, gusto kong ihagis ang lintek na celfone ko kse hindi ko naman ma-text ang bebeh ko. hay… sana nami-miss nya rin ako. kse ako, anak ng tokwa, sobrang miss ko na sya. kung pwede lang talga na pumunta ako sa bahay nila (restday nya yata ngayon… ewan ko lang), kso ayoko naman na pagg-awayan namin yun. sabihin na naman nun eh hindi ko na nirespeto ang desisyon nya na wag muna kami magkita ang mag-usap.
hay…
cge na. masyado na yatang humahaba ang post ko na ito. baka ma-bore na ang mga taga-subaybay ko. hehehe.
til next time. ciao!
Ikaw ba ay nalolongkot at walang maka-osap? Walang magawa sa WaWaWa? Halina at pomonta sa http://ejpadero.heyey.com/ at tumala ng COMMENTS doon! Wheee!