hay…

matatapos na lang ang august, wala pa akong bagong post. kaya ito, mag-update ulit ako.

dami nangyari these past few days. four days ago, we went to pangasinan, sa bahay ng isang friend sa AMAts (hi ging!) to start a three day-two night relaxing weekend at the north. hehehe.

first stop, sa bahay nina ging. saya. daming pagkain. ganda ng lugar. tambay to the max. todo relax. unting shooting ng basketball. unting tulog. daming kain. nood ng tv. tapos kinagabihan pumunta ng dagupan for a nightswimming (daw) na nauwi sa kantahan ng videoke sa kubi na nirentahan namin. todo kantahan ng rivermaya buong gabi. kaso si ma’am joy eh hindi man lang naki-join. kill-JOY ka talga joy. heheh. jokes lang po. (i really like the shikimaru keychain! salamats ng marami!) tapos kinabukasan eh akyat ng baguio. kaso medyo bumabagyo pala lately sa baguio. bawat patak ng 3pm eh pumapatak din ang ulan. kaya hindi kami masyadong nakapaglibot. kaya pasensya sa mga nagpabili ng mga pasalubong at kung anu-ano, kaunti lang ang nabili namin. hindi na rin kami nakapag-ukay dahil kapos na sa oras the following day.

sayang experience. daming nangyari. lalo na sa ilang mga kasama. hindi ko na sasabihin kung sino at baka may mga magkabukingan at magka-away-away pa. nyahahah! pero clean fun lang naman kami that weekend. kami nga ni ma’am joy eh nag marathon lang ng CSI nung last night namin.

nga pala, may nadiskubre akong bago. well, hindi sya bago. bago lang sa akin. dahil sa kahiligan ko sa mga korean movies at tv shows at sa mga magagandang pop artists nila, nahilig na rin ako ng manuod ng ARIRANG channel sa cable. hehehe. yan ang nagagawa ng pag-ulan sa baguio. wala magawa, magbabad sa cable. kaya yun, K-POP na ako ngayon. ilang korean movies at tv shoes pa at malamang eh makakapagsalita na ako ng korean. nyahahah!

nga pala, sana matapos ko na yung mga ilang papeles ko na kailangan para makapaghanap ng work. tulad na ng Certificate of Graduation. hay… dami palang requirements nun. at yung iba, nawala ko na yata. asar. pero hangga’t may buhay, may pag-asa. tuloy lang, matatapos ko rin lahat. at makakapagsimula na akong maging isang working-man. professionally. nyahahaha!

at sa wakas, bukas na ang last day ng hiatus namin ni bew. though hindi ko talga alam kung ano ang iiexpect sa september 1, i am just happy na makakapagusap na ulit kami. i dont know if i am ready to whatever she decides upon tungkol sa amin, pero im just glad na malapit ng matapos ang "silence" at masisimulan ng pag-uspan ang ilang mga importanteng yugto ng aking buhay. bahala na kung ano ang maging desisyon nya. bahala na. if she decides na maging kami ulit, at subukan ulit, then its going to be a very happy day. if she decides not to be with me, then i’ll start the month as a broken man… before, i am very much hopeful sa mangyayari sa september 1, but lately, i am being more afraid of whats going to happen. i dont know. ganun lang talga cguro. parang yung feeling ng inaantay mo yung resulta ng exam mo sa UPCAT, parang ganun. nakakatense.

hay…

neweis, so yun nga. ganun lang po ang nangyari sa mga nakaraan araw. yung nakalipas sa nung friday, hindi ko na maalala masyado. boring naman talga buhay ko eh. kaya nga nagsusulat ako dito, para magmukhang medyo makulay naman. hehehe.

oo nga pala, hanggang ngayon, hindi ko pa rin maisip kung ano yung pelikula na pinanood namin ni jet nung august 9. lintek, naiisip ko ang tungkol sa weirdong experience na yun, natuturete ako. baka merong nakakaalam sa inyo ng pelikulang ipinalabas nung august 9 sa cinema 5 ng SM north, comment nyo na lang. salamat. hehehe.

cge na. humahaba na naman ito. sa susunod na lang ulit. ciao!



Leave a Reply