aFG. busy na ulit kami!

September 9th, 2005 | Uncategorized |

elow po!

goodnews… i mean para sa akin at sa aFG eh gudnews. kakagaling lang namin kanina sa Manila City Hall para sa presentation nung thesis namin sa Office of Civil Registry para matignan kung maiimplement na sa office nila. next week naka-schedule na kami na ipakita ang business proposal namin. nyahahaha! ka-ching!

kailangan na rin pala naming i-register officially ang aFG as an "IT solutions company" para sa pagaasikaso ng business proposal namin sa manila city hall at eventually para sa mga future projects ng grupo. grabe na ito. sana tuloytuloy na. hehehe. hay. ewan ko lang ha, parang on the roll na ulit ang grupo namin, sana lang hindi mapurnada tulad nung plano ko sa baguio na super delay na.

hay…

nga po pala, may isa pa akong blogsite na kung saan eh sinusulat ko yung "screenplay" na gusto kong matapos. if may mga gusto sa inyo na mabasa yun punta na lang po kayo sa http://hitokiri-mikko.blogspot.com sana po eh makapag-comment po kayo para magkaroon din ako ng mga dagdag na ideas para sa mga susunod na posts. tapos na po yung scene 2 ipo-post ko na lang kapag hindi na masyadong busy. hehehe. nakikigamit lang kse ako ng pc sa isang kaibigan eh kaya hindi ko pa ma-post ngayon.

so yun lang po ang nangyayari recently. nung start kse ng week na ito eh busy kami sa pagtulong sa CS faculty para magasikaso ng enrollment at releasing ng grades. akala nga ng iba eh dun na ako nagtatrabaho. tumutulong la po ako. marami akong utang na loob sa ilang mga intrucstors dun. lalong lalo na kay ma’am pearl at ma’am richelle saka kay mommy grace. salamat po ulit sa inyo!

hay…

sige, medyo mahaba na ulit ito. next tym na lang ulit. sana tuloy tuloy pa rin ang pagpunta nyo sa siteko. hehehe.



Leave a Reply