update. update. update.

dahil sa kahiligan at kakapanuod ng PBB (pinog big brother) eh pumutok sa akin ang titulo na ipinalit ko sa blogsite ko. masyado na yata kseng napaka-psuedo-intelektuwal nung una kong titulo eh, gawin naman nating kwela ngayon. hehehe.

wala pa masyadong update. hindi pa rin kami nakakaisip ng pangalan nung software solutions company na balak naming itayo. baka may mga ideya kayo, mga masugis kong tagasubaybay, input naman po kayo. hehehe.

nga pala, pabor naman. sa susunod na eviction night, pakisipa na si raquel sa PBB house. please lang… hindi ko na ma-take. ayoko ng may kontrabida sa buhay ng Nene ko. nyahahaha!

sige na, tama na nga ito. medyo inaantok pa ako eh, bawi na muna ulit ng tulog. kitakits lang… sa susunod. comments naman po dyan… samalats!



Leave a Reply