boring. boring. boring.

September 13th, 2005 | Uncategorized |

ano na nga ba?

wala ng masyadong nangyayari sa buhay ko ngayon eh. wala naman maikwento tungkol sa lovelife ko kse wala naman talgang maikukwento dun, bagsak na ako sa department na yun. wala namang maikukwento sa acedemics kse tapos na ako dun (sa wakas!). wala namang maikwento sa trabaho kse wala pa naman ako nun. nag-email na yung accenture kaso for interview pa lang yun. may pinapasugatan pa sa akin eh, kaso hindi ko pa tapos.

boring ng buhay ko ngayon. period.

ewan ko ba. hindi na ganun ka-exciting ang buhay ko ngayon. boring sa bahay. kakatamad magantay ng reply galing sa jobsDB. parang nakakatamad tuloy na magsulat dito sa blog kse wala naman talga akong maisulat. tulad ngayon, nagsususlat ako tungkol sa "wala akong maisulat" galeng noh? hehehe.

sobrang boring ngayon ng mga pangyayari, napilitan akong maglaro ulit ng mga pc games. ang tinitira ko ngayon: Dungeon Siege II. ayos naman. action-RPG ang laro, dungeon-crawl para sa mga matatagal na sa rpg games.

yun lang ang pinagkakaabalahan ko ngayon. except pa dun sa account na inaasikaso namin sa manila city hall. sakit sa ulo yung isang yun. parang gumagawa ulit kami ng thesis, mas mabilisan nga lang at mas malaki ang responsibilities na nakakabit. cguro sa mga susunod na araw eh saka na ako magiging busy dun. sa ngayon. petiks lang muna ako. hehehe.

so yun. ganun lang. saya noh? hehehe.



Leave a Reply