wala lang.

September 28th, 2005 | Weblogs |

wala lang… gusto ko lang mag-post, bakit ba. hehehe.

kanina, habang nagtuturo ako sa second session ko dun sa outreach program namin(yung 3-5pm na class), grabe, halos maubusan na ako ng boses sa kaka-discuss. hindi naman dahil sa pasaway at hindi maka-intintdi ang mga estudyante kanina, talagang napagod lang ang lalamunan ko kakasalita. ibang klase. hindi ko ma-imagine kung anong mangyayari sa lalamunan ko pagkatapos ng isang linggo. sana ngayon lang ito, baka masanay rin sa huli ang lalamunan ko sa maghapon na discussions. hay…

pero enjoy pa rin ako sa pagtuturo. sabi nung ilang estudyante na nakausap ko eh ok naman daw yung discussions ko. natututo naman daw sila at naiintindihan naman daw nila ang mga pinagsasabi ko. buti naman. ayoko naman na halos maubusan ako ng boses tapos kapag quiz eh wala man lang silang mai-sagot. kahiya-hiya naman ako nun, diba? hehehe. pero as for the moment eh matataas naman nakukuha ng mga estudyante sa quizzes nila. asteeg. saka nakakasunod naman sila sa mga activities. galeng.

hmm.. ano pa ba? wala yun lang kse nangyari sa araw ko ngayon, nagturo sa outreach. hehehe.

hay…

sana magkatrabaho na talaga ako. as in yung work na magagamit ko yung mga skills ko sa IT at yung makikiliti ang curiosity ko sa mga bagong ideya at kaalaman. ayoko talaga pumasok sa call center. no offense sa mga nagtatrabaho sa call centers noh, malaking tulong talaga ang call centers sa ekonomiya natin kse marmaing trabaho ang nabibigay nila. feeling ko lang talaga kse eh walang masyadong growth sa call centers. yes, malaki ang starting na sweldo. pero hindi lang naman talaga yung importante diba? dapat dun sa alam mo na mapapakinabangan mo yung mga alam mo at alam mo na mas marami ka pang matututunan dun sa working place mo. hindi ba dapat ganun?

talaga sigurong umiiral lang ang pride ko na sana makakuha ako ng trabaho na related sa field ng interes ko at kung saan magagamit ang kakayahan ko sa larangan ng IT. kanina, habang nagtitingin ako ng mga job oppurtunities sa jobstreet.com, andaming work na pwede ako makapasok, pero hindi ko magawang pindutin yung "apply now!" button sa dulo nung page. karamihan kse eh sa mga call centers o kaya hindi ako masyadong kwalipikado dahil wala sa sakop ng kakayahan ko yung mga requirements na kailangan.

hay… hirap maghanap ng trabaho. lalo na yung trabaho na gusto mo talaga. pero sana, makuha ko pa rin yun. yung sa Canon -IT, gusto ko yung inaplayan ko dun. sana makuha ako. gusto ko rin sana dun sa IT department ng MOOG, kaso hindi pa raw sila hiring ngayon. sana mas marami pa ang naghahanap ng mga newly grads na applicants bilang MIS engineers or technical support staff or programmers. hehehe. para naman makapag-apply ako. diba?

ewan… kung anu-ano na pinagsasabi ko dito. hehehe. wala lang, naisip ko lang. habang nagsusulat sa blog. hehehe.

sige na, mahaba na naman ito. matagal na namang maglo-load ito sa mabagal kong internet connection. hehehe. kitakits na lang sa sususnod. comment naman dyan!

http://akosibatman.blogspot.com —> bisita kayo dito! hehehe.



2 Responses to “wala lang.”

  1. howdy? o ayan halos nabasa ko na ata lahat ng posts mo kaya eto nagko-comment. sakit ba talaga ng lalaki ang pagiging womanizer? tsk tsk naman kasi. LOL..oo nga pala nagsisisi ka na noh?i hope you learned ur lesson very well. Mahirap talaga ang karma.

    nyways, i updated my blog here. you can visit it anytime you want pero mas recommended un- fairatkune.multiply.com, mas malaman kasi more than a year na ‘yun…

    comment on my page ha?
    baboosh!

  2. lahat ng lalake? ewan ko lang… ang alam ko lang, baka nga sakit ko yun. hehehe… joke.

Leave a Reply