when it rains, it pours.
ganun lang talga cguro ang buhay. dati makapit sa akin ang swerte. kahit may isang malaking pagkakamali na ako na nagawa, nakakakita pa rin ako ng opurtunidad para masolusyunan yun o kung hindi man eh malusutan na lang. pero lately, nauubos na yata ang swerte sa katawan ko. sunod-sunod na kamalasan na yata ang dumarating. kanina lang eh nalaman ko na mukhang malabo na yung plano ko na makapunta ng baguio. may ilang changes na nangyari dun sa company na gusto kong pasukan at mukhang "hindi raw sure" na magkaroon ng opening. ewan.
kaya naman biglaan na naman ang pag-update ko ng account ko sa jobsDB. baka sakaling makakuha ako ng trip ko na trabaho dun. nag-apply na rin ako sa ilang mga companies na nangangailangan ng technical support staff, kahit man lang dun muna ako mag-simula. ayoko talga na pumasok sa callcenter. ewan ko kung bakit. masyado talgang mataas pride ko minsan. gusto ko sanang magturo, kahit sa AMA. kaso buraot lang talga ang sistema nila ngayon. ayoko naman na magtrabaho dun ng hindi ako susweldo. hindi ako martyr. ewan.. kapag malas, malas lang talaga. ano nga ba ang tawag dun? murphy’s law ba?
mukhang nagbabago na lang talga ang ihip ng hangin. sana naghanda ako ng mas matibay na payong para sa ulan na ito. sinamahan ko na rin lang sana ng kapote. hehehe. may mga back up plans pa naman, sana makuha sa ganun.
so ganun na nga cguro, goodbye baguio na muna. hindi ko naman alam kung magbabago ang sitwasyon dun. pootek.
nga pala, sa mga darating na araw, magbabago na ang format ng blog ko. iba na ang magiging content. pero sana basahin nyo pa rin. salamats!
i wonder what’s that “content” all about.
http://blurty.com/users/sensible_burst
WAAAAAAAAAAAAAA!!!!!PATAY tayo jan….pano na ang pangarap natin sa homeland baguio…kailangan gumawa ng paraan, kahit sa ibang company…kaya natin to..AJA!!!!