nagtataka lang ako noh, kung kailan pa naman ako nagkaroon ng dsl connection eh saka naman ako hindi masyadong makapag-update. hay…
kse naman po, ang pc namin ngayon eh lagi na lang tinututukan ng mga kapatid ko para mag-download ng mga movies at mp3 at kung anu-ano pa. at every minute na lang eh ina-update ang kanilang mga friendster account. ewan ko ha. pero malamang madali ring magsasawa ang mga ungas, malamang ngayon lang yan. kapag naubusan na ng disk space at nakuha na lahat ng gustong makuha, titigil rin ang mga yan… sana nga. hehehe.
hmmm… ano pa ba? so yun, nasa last week na kami ng first module namin sa outreach program namin. ang discussion po namin eh MS POWERPOINT. medyo maiksi lang ang discussions. straithforward naman kasi ang powerpoint eh, talagang pang presentations ang banat. hindi katulad ng WORD at EXCEL na pwedeng multi-purpose kahit papaano. kaya hindi rin kami masyadong haggard pagdating sa lectures.
well, excited na rin nga pala ang ilang mga estudyante namin tungkol sa graduation. ang hindi nila alam eh medyo matagal pa yun, mga isang buwan pa. kse pagkatapos pa ng module 2 (pc assembly/disassembly & trouleshooting) yung graduation nila. pagkatapos ng week na ito, may 2 weeks pa kami na pahinga tapos start na ng module 2. ewan ko lang kung matututukan ko pa ng husto yun. baka kse makakuha na ako ng work. SANA! sana talaga. inip na ako. hehehe.
so yun… ano pa ba? kung magkakasama tayo sa outreach program, alam nyo nama cguro kung ano pa ang "iba" ko pang pinagkakaabalahan. kung hindi, malas nyo. hehehe.
sige na, tatapusin ko pa ang pag-update ng mga grades ng mga estudyante namin. leche. ang hirap maging titser. hehehe. pero ok lang. masaya naman kahit papaano.
Leave a Reply