muni-muni.

October 24th, 2005 | Weblogs |

pagmumunimuni.

may isang kaibigan ko ang nagsabi ng nag-iba na raw talaga ako. hindi ko talaga makita yung sinasabi nya. pero dahil sa ang kaibigan ko na iyon eh isa sa mga shock absorbers ko at matagal ng confidant, napaisip ako ng husto sa mga sinabi nya sa akin nung the other night.

alam naman daw niya na malapit talaga ako sa mga babae. alam nya yun. first hand nyang nakikita yun, lalo ng nung madalas pa kaming lumalabas. alam na na i have this "thing" about girls that makes me at ease to them, that makes them at ease with me. ewan ko. pero talagang komportable lang talaga ako sa mga gurl friends ko. pero ang kinatutuwa nya eh kahit na alam ko na may ganun daw akong "charm" eh torpe effect pa rin daw ako. yung tipong nahihiya pa ako ng ilabas yung "charm" na yun na sinasabi nya. sabi nya, i was this "charming and innocent kid" na nakakatuwang tignan lalo na kapag kasama ko yung gurl na gusto ko talaga. at dati raw eh mabait daw talaga ako. hindi ko sure kung ano ibig sabihin nya sa mabait. pero yun yung sabi nya. mabait daw ako. DATI.

ngayon, yun nga. nagbago na raw ako. kung dati eh pa-innocent effect daw ako, ngayon eh super agressive na raw ako pagdating sa mga gurls. parang masyado ko na raw finu-flaunt yung kung ano mang agimat meron ako. to the point na i am breaking other’s relationships, breaking other’s hearts, ruining principles, ruining respect. hindi na raw ako mabait. nauuna na lang yata yung self-preservation at self-satisfaction kaysa sa tamang gawain. yes, nandun yung "charm", pero hindi na raw pareho yung paraan ng paggamit ko. ewan ko.

sa totoo, feeling ko hindi naman talaga ako nagbago. feeling ko, ganun din naman yung ginagawa ko dati. siguro dahil sa nasanay na ako sa sarili ko (araw araw ko ba naman kasama ang sarili ko) eh hindi ko napapansin yung pagbabago. at yung mga taong bihira ko na makasama, yun ang nakakapansin, tulad na nga ng kaibigan kong ito na kausap ko the other night.

naisip ko tuloy, nagbago ba talaga ako? minsan naman talaga kse nagbabago lang talaga ang tao, diba? magkakaroon sya ng ibat’ ibang karanasan at babaguhin ang paraan nya ng pag-iisip at mga gawa. o baka naman yung dating AKO na naaalala nung kaibigan ko ay isa lamang maskara na sinusuot ko dati upang matakpan yung totoong ako. para hindi masyadong halata. para kapag nasubukan ko na kaya ko palang gawin, ilalabas ko na ng todo. parang ganun. ewan ko. hindi ko alam. hindi ko matanto.

kagabi, naisip ko, baka yung pagbabago eh dulot na rin ng maraming pagkakataon na nabasted ako at na-turn down ng maraming babae noon. parang naging motivation yun na to try a little bit harder sa panunuyo at panliligaw. baka nga ganun. parang nag-overdrive ako.

o kaya naman, baka yung kaibigan ko ang nagbago. nag-iba na yung pananaw nya sa buhay simula noon at kasama nun eh ang pagbabago sa pagtingin nya sa mga ginagawa ko. baka ganun.

tangna. ang gwapo ko naman diba? hindi ko alam kung bakit nagiging
isyu talaga ang pagiging malapit ko sa mga gurl friends ko. o sige, kahit sa hindi ko mga friends. eh sa ganun talaga ako, i love the company of the female of the species. (though of course, because of some incidents in my life, eh binabawasan ko na po ang pagiging masadong close sa mga gurls, i know maraming magre-react, pero yun po ang totoo. hehehe.) ganun po
talaga ako mga kaibigan! ganun lang po talaga! leche. hehehe.



Leave a Reply