sa wakas, makakpagpahinga na rin ako sa isang buwang pagtututro sa outreach program na iyon. hindi naman sa hindi ako nag-enjoy. pwamis, nag-enjoy talga ako. hindi ko alam kung ganun din yung ibang mga kasamahan ko, pero ako, may nakukuhang satisfaction sa pagtuturo, kahit na wala akong bayad dun. op kors, hindi habang panahon akong pro bono pagtatrabaho noh! asa pa. kaya nga naghahanap ako ng work sa IT field. pero yung pagtututro, ewan ko, parang gusto kong karirin. nalilito ako. hehehe. sa novermber 7, simula na yung second part nung outreach program. hardware naman ang ituturo namin. sana marami paring pumasok…
********
2 weeks na pahinga. hmm.. ano kaya pwedeng gawin? mag-update ng blog. check. magupdate ng screenplay. check. tumengga. check. magsulat pa ng magsulat. check. maghanap ng trabaho. check. magaral ng bagong codes. check. mambabae. erase. nyahahah! (believe it or not, im trying hard na iwanan na ang pabling lifestyle. hehehe. pwamis yun!)
******
daming pwedeng mangyari sa dalawang linggo diba? sana yung mga pinaplano ko, magawa ko naman. sana yung mga bagay na gumugulo sa akin, maayos na. sana yung mga binibigay ng pagkakataon na talaga namang masakit sa ulo eh bawiin na.
*******
oo nga pala, may bago akong peborit na banda sa ngayon. PARAMITA! grabe na ito! sarap pakinggan ng music nila. ganda ng boses ni ria. hay… imagine cynthia alexander’s music and imago rolled into one. of course medyo may aangal dyan kse sobrang galeng naman talaga ni cynthia para i-compare sa isang baguhang banda. pero watcanisay?! magaleng talga ang grupong ito. napanuod ko na sila dati, maga a year ang a half ago (mga gnun) sa school, tumugtog sila sa GK Party ng YFC, inimvite namin silang tumugtog. hehehe. cute pa ni ria. asteeg. pakinggan nyo mga fwends, hindi kayo magsisisi. ang alam ko pa nga eh number one yung single nila na HILING sa NU 107 eh. asteeg.
*******
hmmm.. ano pa ba? wala eh. wala pa rin kse akong work. at wala pang masyadong bagong nangyayari. yung Rayama? ayun stagnant na. bwahahahah! hehehe. hindi naman. inaantay pa kse namin yung desisyon ng Makati. next target yun. ewan ko ba kay bosing kung ano na at wala pa kaming update. aba, kapag ganyan ng ganyan, magre-resign ako bilang head programmer! nyahahaha!
********
lecheng dsl yan! nagkaroon ka nga ng unlimited internet access, naging super limited naman ang time na paggamit ko! kse naman, ang mga kapatid ko at mga kaibigan ng kapatid ko eh lagi na lang nasa tapat ng pc. aba! hindi na ako makagamit ng pc ah! bwiset! hindi ko na tuloy ma-update yung blogs ko. hindi ko na ma-update yung screenplay ko. hindi ko na macheck madalas emails ko. hindi na ako masyadong makabasa ng mga movie reviews at ibat ibang online articles. hay… leche.
*******
para po sa mga nag-aantay na mai-update ko yung demonyong screenplay, as soon as magkaroon ako ng time na medyo mahaba sa tapat ng pc eh itutuon ko na sa pagsusulat ulit para dun. hay… tulad ngayon, bitin na naman ang oras kse i have to get ready para sa isang meeting. hay… kaya yun, kitakits na lang sa susunod. okeis? hehehe.
i love cynthia alexander, pero di ko naririnig yung paramita..i’ll give a comment pag narinig ko na sila..:) talaga cute yung vocalist? matingnan nga, hmmmp…hehe
asus…
porket sinabiko lang na cute eh react na agad..
hehehe…