tanong ko lang noh, kapag naghahanap ba ng trabaho, dapat ba apply ka lang ng apply sa kung saan ka pwedeng pumasok? o antayin yung trabaho na gusto mo talaga, tapos kung hindi mo yun makuha saka ka mag-apply sa iba?

ewan ko. naguguluhan talaga ako. gusto ko talaga na matanggap dun sa CANON-IT sa eastwood. feeling ko talaga marami akong matututunan pa dun. ang magagamit ko rin yung past working experiences ko sa pagiging technical support personnel. kaso, recently kse eh nag-apply ako sa SYKES as associate engineer, programmer ang labas ko. hindi ko alam kung papasa ako dun o ano, pero scheduled for final interview na ako. papaano kaya kung makapasa ako sa SYKES tapos hindi pa rin ako nakakapasok sa CANON? hay… ewan ko ba naman kasi kung bakit ang tagal ng processing nung application ko sa CANON. nung tuesday pa ako nag-exam dun eh, hanggang ngayon eh wala pang tawag. kahit man lang sana tawag na hindi ako pumasa sa exam (which i doubt it, i firmly believe na pinasa ko yung exam nila. walang halong yabang yun. naniniwala lang talaga ako sa kakayahan ko).

kaya CANON-IT, please lang. tumawag naman po kayo! para atleast alam ko na kung pasado ako o bagsak dun sa exam nyo. para makapag-move on na ako. ok po ba yun? hehehe. tulad niyan, kanina tumawag yung friend ko na programmer sa DSWD. naghahanap daw sila ng mga programmer ngayon, iniimbitahan ako na mag-walk in sa kanila. sayang yung mga oppurtunities kung tutuusin, pero mas importante kasi sa akin yung satisfaction na nakuha ko yung gusto ko talaga kaysa sa mag-settle lang for kung ano ang nandyan.

tangnang pride yan. baka kapag napasama eh pride-chicken na lang ang kakainin ko ah. hehehe. sana hindi. naniniwala ako na makakakuha ako ng work na gusto ko talaga. i have faith. teka, tama ba yun? si neil, isang atheist, may faith? maaring itanong ng ilang tao diyan. hehehe… i have faith sa sarili kong kakayahan. i have faith on the people around me. i have faith on the oppurtunities i have created by the choices i have made. hehehe. ganun po yun.

eneweis, napapalayo ang usapan. sana lang talaga makakuha na ako ng trabaho. para maging kapakipakinabang pa akong miyembro ng ating lipunan. tama po ba yun? saka para paunti-unti eh matupad ko na ang mga plano ko at mga pangarap. tama po ba yun bew? sabi mo tuparin ko muna mga pangarap ko, diba? ipapakita ko sayo! antayin mo! mwah! ^_^

hay… sige na nga, kung anu-ano na sinusulat ko dito. nga po pala, sa mga nagbabasa dito at may alam kayo na work as a programmer o technical support staff sa kahit na anong company, email nyo naman sa akin ang details. salamat po!



2 Responses to “trabaho na, tinatrabaho pa.”

  1. lam mo neil michael namoro,nakukuha mo p ring maging ma-pride kc may choice k p at magsu-survive kp kht ala kang work..

    at dahil n rin nsa masuwerte k pang sitwasyon,2lad nga ng nasabi ko n,eh,samantalahin mo n..mamili nga ng work n mgagamit mo ung skills & education mo..ndi s basta2..

    pro dpat mging realistic k rin..if u think u still need more experience,manguha k muna ng mga few months to a year experience s ibang company,then targetin m ung company n gus2 mo..it doesn’t mean kc n if u hav good education & skills,magpe-perform k n ng maganda at maayos,usually kc s experience k magi2ng best!

  2. sagot ko lang noh.. ako den mejo may pride sa work stuff kc naman.. lets face it.. ayaw nmn tlga nting bumagsak sa isang work na wala namang GROWTH sa field mo… db?? kya ndi ka nag-iisa!!! the thing is.. galingan nLng naten so we can kick their butts off. ayt? cheers.ΓΌ

Leave a Reply