update por da week… wala.

October 7th, 2005 | Weblogs |

whoo!

pagkalipas ng dalawang linggo ng pagtuturo sa outreach program namin, ito na, parang talagang nakakpagod na. hehehe.

kasi naman, ang daming problema. may problema sa mga organisasyon na humahawak ng programa. may mga problema sa mga estudyante na paunti ng paunti ang pumapasok. may mga problema sa schedules ng instructors. at may kung anu-ano pang problema.

hay…

dalawang linggo pa. sana kayanin pa namin. saka, anakngtokwa naman, please lang sa mga kinauukulan, pwede bang ayusin ninyo ang allowances namin! pwede po ba yun! leche. pagod na kami, pwede ba namang kahit unting incentive dyan! kahit pamasahe araw-araw. kahit merienda sa hapon. please lang.

tapos dagdag pa yang super elusive na trabaho na hinahanap ko. i dont want to wait anymore sa demonyong application ko sa canon-it. if ayaw nilang sabihin kung pasado ako o hindi eh di wag. yung sa sykes, bahala na rin. apply na ako sa iba, baka sakali eh makuha ko pa. leche.

tapos malapit na rin ang october 12 na hinihintay namin (Rayama Solutions) para sa unang account namin. sa araw na iyon makukuha ang final desisyon ng mga hurado. sana talaga psitibo ang labas ng paguusap sa adose. kahit unting saya naman sa propesyonal ko na buhay! naman!

hay…

sige na, tama na muna yan. aalis pa ako. bibili ng LAN card para sa darating na dsl connection dito sa bahay (yahoo! nyahahaha!) at SDC memory card para sa bagong digicam namin. sana may magandang palabas sa sine, makapag-relax man lang.

kitakits na lang sa susunod. at sa mga nagbabasa nga pala nito, salamat po. may mga hindi ako ini-expect na mga tao na bumibisita pala dito. katulad ng lagi kong sinsabi, comments naman po kayo, masaya na ako nun.

tsalamat! muwah! hehehe.

at para po sa iyo (alam mo kung sino ka), miss na kita.
 



2 Responses to “update por da week… wala.”

  1. miss na kita neil…

  2. miss na rin kita… censya na kung hindi na rin kita ma-kontak ng madalas… busy lang talaga. dont worry, kapag nagkausap ulit tayo, marami ako kukwento sayo… ok? ^_^

Leave a Reply