hay… after 3 consecutive days of teaching on 4 shifts (that’s 8-10, 10-12, 1-3, 3-5) everyday, my body finally gave up because of fatigue. graveh! nakakapagod pala yung ganun. hindi kinaya ng powers ko! hehehe… yesterday, nung second shift halos hindi ko na maangat ang kamay ko para magsulat sa whiteboard dahil sa pagod at gutom. grabe talaga.
nagkataon lang naman po kse na wala akong ka-relyebo sa mga nakaraang araw. yung mga tao na dapat eh tutulong sa pagtuturo sa outreach program eh lahat wala. busy sa work, busy sa thesis, busy sa personal na buhay, busy sa wala. hay… di ko sila masisi, ganun talaga minsan. minsan marami lang talagang ginagawa.
kaya ito, nasa bahay ako ngayon at nagpapahinga. acutally medyo naaasar pa nga ako kse mukhang nahawa ak sa demonyong scabies ng kapatid ko. isang linggo na rin akong kinakati at finally hindi ko na ma-take, kaya ginamit ko na rin yung gamot na ginamit nung kapatid ko. pero i need a lot of anti-itch lotion or pills, sakit sa ulo na yung kamot ng kamot. hehehe. sabi ng friend ko effective daw yung dr. kaufman na sabon. try ko rin yun. hehehe. sana epektibo, nagiging boy kamot na ako eh. puro pantal na ang shoulders at tagiliran ko. nyahahahh! yuck… sana hindi ako nakahawa ng iba. ^_^
nga pala, recently i have discovered this very talented and amusing artist named Kurt Halsey. asteeg mga drawings nya. punong-puno ng mga emotions. lalo na kung inlababo ka, makikiliti or makukurot ka talaga. galeng. hehehe. yung background pic ko sa profile ko, gawa na yun. natuwa talaga ako. bisitahin nyo na lang yung site nya, may archive sya dun ng mga works nya. maganda. pwamis.
so yun nga… busy lang talaga ako ngayon sa pagaasikaso sa outreach namin. wala pa rin akong work. nakakaasar na nga eh. sana talaga magkaroon naman ng positibong outcome yung mga inaplayan ko. mga leche sila kung ayaw nila sa akin. nyahahah!
cge, kitakits na lang sa susunod. alam kong matagal din akong nawala sa sirkulasyon. ganun lang talaga minsan. ewan ko ba. madalas akong may writer’s block lately. pupunta ako sa update blog section pero madalas tinititigan ko lang yung susulatan na espasyo para sa blog. hay… madami lang talaga akong iniisip. madaming gumugulo. madaming kumplekado. ewan ko ba.
cge na. humahaba na naman ito eh…
Leave a Reply