leche.
leche talagang pldt yan. 5 days na kaming walang dialtone. WTF?!! paano na yung mga tawag na inaantay ko? paano na yung mga importanteng tao na kailangang tumawag dito?! paano na yung mga nag-aantay na tawagan ko?! (hehehe… may mga reract dyan, sure ako.) leche.
buti na lang at sa hindi ko maintindihang pangyayari eh nakakakonek ang dsl namin. pero nung unang tatlong araw eh hindi talaga makakonek ang dsl namin. ngayon, dialtone na lang ang wala. tatlong beses na akong tumawag sa demonyong 171 at 173. leche. magantay lang daw ako at darating yung mag-aayos… LECHE KAYO!!! kailan pa darating yun? after 48 years?!!
hay…
nga pala, balik po ako sa paglalaro ng TANTRA. wala na kse akong magawa dito sa bahay nitong mga nagdaang araw. kaya yun, nagbabalik na po si Nyssa, ang Maharaja ng Dark Crescent. though pinagiisipan ko kung si Nyssa talaga ang gagamitin ko o yung muscle-based ko na Gandharva na si Serraph. hay.. decisions, decisions. pero malamang at sa malamang, kapag nabili ko na yung cd ko ng GuildWars, sigurado mababakante na naman ang paglalaro ko ng tantra. pero as of now, ang importante, nakakapaglaro ulit ako at naaaliw na ulit ako. hehehe.
hmm.. next week, busy na ulit. magsisimula na yung second module ng outreach program namin. mas exciting na kse hardware na ang tututukan namin. though mas mahirap yatang magturo ng hardware sa mga zero-knowledge sa computers. pero sige, nandun ang challenge, kakayanin namin yun! magagaling naman yung mga kasama ko eh. hehehe. wag lang talagang magpapasaway ang mga bata dun sa outreach. at sana eh magkaroon na talaga kami ng allowance. unting motivation naman para sa mga nagtututro, diba?! ^_^
so yun.. wala lang. gusto ko lang ulit magpost. tagal na rin akong nabakante dito eh. yun nga kse, nawalan kami ng connection. demonyong linya yan. sana maayos na.
kitakits na lang sa susunod. ciao!
Leave a Reply