para sa iyo.

November 10th, 2005 | Uncategorized |

"There used to be a greying tower alone on the sea.
You became the light on the dark side of me.
Love remained a drug that’s the high and not the pill.
But did you know, that when it snows,
My eyes become large and
The light that you shine can be seen."



gusto ko lang sabihin na salamat.

salamat sa mga panahong ibinahagi mo ang buhay mo sa akin. salamat sa pagmamahal. salamat sa pag-iintindi. salamat sa pagtitiwala. salamat sa pagkakataon mong binigay para ipakita ko ang totoong ako. salamat sa pagkakataong binigay mo para ipakita na kaya kong magbago. salamat sa lahat.

naging masaya ako, hindi ko iyon matatanggi. masaya ang bawat pagkakataon na nakasama kita, hindi ko iyon makakalimutan. hindi ako nagsisisi na nakilala kita at nakasama. sa maiksing panahon na nagkasama tayo, alam ko na marami tayong nalaman at natutunan. hindi lamang tungkol sa isa’t isa, pati na rin tungkol sa mga sarili natin, at tungkol sa mga bagay na mas mimportante kaysa sa mga gusto natin.

marami pa ako sanang gustong sabihin, pero sa tingin ko alam mo na ang mga iyon. hinihiling ko na lang na sana matagpuan mo ang kaligayahan sa daan na iyong pinili. hinihiling ko rin sana na ang pagkakaibigan natin, na sya nating piniling daan na tahakin, ay hindi mawala. hinihiling ko rin na sana ay maging maayos ang lahat para sa ating dalawa.

gusto kong lang sabihin na salamat. salamat sa lahat.


 



Leave a Reply