hay…
grabe na talaga ang sakit sa ulo ang dinudulot ng job-hunting na ito sa akin. sa sykes pa lang eh i have been through 2 technical exams and 3 interviews, pero wala pa ring kasiguraduhan ang pagpasok ko dun. tapos recently eh tumawag ulit ang canon-IT (after almost 2 months after ng initial exam ko) for an interview. ok naman ang result nun (i think), kaso wala na raw palang full-time slot dun sa inalplayan ko na position, so they recommended na subukan ko raw na mag-exam for Software Quality Engineer. so yun, i took a VERY long technical exam on that. ok naman (i think, hehehe) so i am expecting a call soon. pero sana hindi naman abutin ng 2 months tulad nung unang exam na kinuha ko sa kanila. hehehe…
eneweis, finally tapos na po ang outreach program namin sa VASRA. sana may natutunan naman yung mga estudyante namin dun. though, honestly i would admit na hindi na namin natutukan ng husto ang mga estudyante dito sa second module nila. kse naman po, halos ako na lang mag-isa ang nagtuturo dun. salamat na lang talga ng marami kay krissy (salamat bebe!) kse madalas pa rin syang pumunta. hindi ko naman magawa yung mga plano kung papaano ituturo sa mga estudyante yung mga lessons ng ako lang mag-isa. hirap maging lecturer at facilitator mag-isa noh. hehehe.
well, ganun na yun, tapos na. at least i tried my best na ituro sa mga bata lahat ng kaya kong ituro sa kanila pagdating sa troubleshooting. graduation ceremonies na lang at officialy tapos na. hay… mami-miss ko rin kahit papaano ang mga makukulit at praning at mababait na estudyante ng AMA-BRP computer literacy hub. goodluck na lang sa kanilang lahat.
next week, wala ng outreach, ano na kaya pagkakaabalahan ko habang wala pa akong work? hmmm… most probably eh magkakaroon na ako ng time para makapagsulat ulit. lalo na dun sa screenplay ko na super-duper delayed na. pasensya na marami sa mga tagasubaysbay nun (meron nga ba?) na nabwiset na yata sa kakaantay ng update. pasensya talaga, naging super busy lang talaga ako. hindi naiwasan. daming responsibilidad, daming kailangang asikasuhin, professionaly at personally. hehehe… sana rin magkaroon ako ng bagong lalaruin. medyo nahihirapan akong maghanap ng copy ng civilization IV, gusto ko talagang malaro yun. super fan ako ng series na yun eh.
hmmm.. anu pa ba. punong-puno ng emo ngayon ang playlist namin dito sa pc. biglang naging emo station ang bahay namin. yung bunso ko kseng kapatid eh naadik na sa emo-han na yan. hehehe. ayos lang naman yung ibang emo-bands, kaso para kseng naging parepreho na lang ang tugtugan nila. though may mga ilan na standout talaga at kakaiba ang banat, tulad ng coheed&cambria. ayos dun yung something corporate, though ilang tracks pa lang napapakinggan ko.
so yun nga… ganun lang ang nangyayari sa buhay ko ngayon. boring noh? hehehe..
Leave a Reply