2005: in review.

December 31st, 2005 | Weblogs |

    una sa lahat, gusto kong batiin ang lahat ng isang maligayang
pagsalubong sa bagong taon na ating haharapin ngayon! naway maging
masagana, mahalaga, masaya at kung anu-ano pang "ma" ang taon na ito
para sa ating lahat. hehe.

    kung mapapansin nyo, pinalitan ko na ang template ng blogsite ko. gusto
ko sana kseng palitan na ung "dark & brooding" effect nung site ko.
gusto ko eh "clean & pleasant" naman ngayon. para refreshing ang
start ng year ko sa bloglife ko. hehe. saka para mas masarap basahin. napansin ko kse na dun sa dating template eh hirap mapansin yung bold fonts sa normal fonts. tapos parang nakakasawa na rin yung black template. wala lang. gusto ko naman ng iba. para masaya. diba?

    so yun na nga, bagong taon na. bagong mga pagkakataon, bagong mga simula, bagong mga pagtatapos. para sa karamihan sa atin, ito ay hudyat ng maraming bagay-bagay. at maaring pagtatapos ng ilan. para sa akin, tatangapin ko lang lahat ng ibabato sa akin ng tadhana. handa na ako. mas handa na ako ngayon at mas kompiyansa na ako ngayon. kaya sige lang tadhana, ibigay mo na ang lahat! nyahahaha!

    pero bago ang hinaharap, gusto ko sanang balikan sandali ang taong nagdaan. ang taon na talaga namang puno-puno ng buhay. sa akin, ang daming nangyari sa taon na ito. AS IN ANG DAMI. para bang siniksik sa taon na ito ang maraming mga karanasan, pangyayari, okasyon na naging mga makukulay na pahina ng aking buhay. naks.

    para sa mga nakasama ko ng simula ng taon, alam kong naaalala pa nila ang "janne marri experience" na talaga namang nagpabaliktad sa takbo ng buhay ko noon. hehe. tinalikuran ko ang lahat, kinalaban ang lahat at talaga namang hahamakin ang lahat masunod lamang ang isang yun. malaki ang naging kapalit ng karanasang iyon, magiging malaking plastik ako kung sasabihin kong hindi ako nanghinayang o wala akong pinagsisihan. pero tapos na iyon. natuto na ako. nalaman ko ang mga pagkakamali ko. hehe. sana nga.

    sa taong din ito nabuwag ang dreamteam namin nina sherwin sese at jet ravago. isa sanang kakaiba at talaga namang pambatong thesis ang mabubuo naming tatlo. pang best thesis, ika nga ni dean magada. pero hindi lahat ng magagandang bagay ay tumatagal. at lalong mahirap ipagsisikan ang tatlong malulufet na mga utak sa iisang proyektong katulad nung amin. masyadong maraming professional at personal conflcits ang nangyari. nagkaaway-away. nagkatampuhan. pero sa huli, nagkaayos naman kaming tatlo. pero nakakapanghinayang pa rin yung proyekto na balak naming gawin. mga tol, sana magawan natin ng pagkakataon na magawa pa rin natin yun. for old time’s sake!

    at dahil nabuwag ang lumang grupo, nagkaroon naman ng bagong grupo. actually, dapat solo na ako sa thesis ko, pero na-recruit ako (kasama na si jet) sa grupo ni mark lumbania at alex mutuc. feeling ko ang nagpahatak sa desisyon ko eh yung pagkakaroon ng apartment. hehe. pero hindi na importante yun, ang importante eh nagkaroon ako ng dalawa pang bagong mga kaibigan. at naging mga malalapit ko na kaibigan ang dalawa pang iyon. anak ng tokwa, kasama mo ba naman sa apartment ng anim na buwan eh, malamang magiging close talaga kami, diba? ALEX, wag masyadong mabait. ang mga mababait na tao, madalas eh pinagsasamantalahan, ok? MUKOY, dude, alagan mo si ging-ging, ok? maraming salamat sa pagkakaibigan mga tol! aFG pa rin tayo kahit anong mangyari! nyahahaha!

    syempre, hinding-hindi ko makakalimutan ang mga escapades naming apat (ako, jet, mark, alex) sa mahiwagang apartment namin sa road20. ang mga late-night dvd sessions. ang mga luto ni mark (kahit na nung mga unang buwan lang yun. leche ka taba, na-miss ko na mga luto mo!). ang mga houseparty. ang mga bisita natin. ang cramming namin para sa thesis. grabe. ibang klase ang ginawa nating yun, para tayong hindi nagte-thesis. walang ka-pressure-pressure. hehe.

    ang bunga ng lahat ng "paghihirap" namin sa apartment eh dumating nung august 4, 2005. asteeg. hindi namin inaasahan (though talaga namang inaasam-asam) na makuha ang grado na iyon. ibang klase ang feeling. super relieved.  nakakataba ang puso. abot tenga ang ngiti naming apat at talaga namang hindi na namin naitago ang pagmamalaki at saya. para sa lahat ng tumulong para matapos ang thesis namin, maraming, maraming, maraming salamat po!

    hindi naman puro masasaya ang alaala ko sa taong 2005. oo nga’t maganda ang naging resulta ng thesis namin at ang kabuuang resulta ng schoolyear na iyun para sa akin, pero may mga bagay na naging masalimuot para sa akin. para sa mga naging mga ka-close ko at yung mga nagbabasa sa blogsite na ito sa simula pa eh maaalala ang mga kadramahan ko sa mga nangyari sa amin ni BEW. kinain ko ang pride ko. lumuhod, nagmakaawa, humingi ng patawad. un ang ginawa ko kay bew. pero hindi umayon sa mga kagustuhan ko ang nangyari sa aming dalawa. oo, kasalanan ko. gago ako eh. kaya tinanggap ko ang pagkatalo ko sa labang iyon. i moved on. or atleast tried to. ganun talaga, paminsan-minsan, tanga lang talga ako.

    hay…

    hindi ko rin makakalimutan ang mga bagong kaibigan kong nakilala sa block-IB. though feeling ko naman eh in some level eh naging kaibigan ko naman ang (halos) lahat ng nasa block-IB, mayroon lang talaga na mga tao dun na nakasundo ko ng husto. yung mga dati ko ng kakilala dun, natutuwa ako at magkakaibigan pa rin tayo hanggang ngayon. dun sa mga bago, maraming salamat at binigyan nyo ako ng pagkakataon para maging magkakaibigan tayo. LHENG, lagi mo lang tatandaan na dito lng ako palagi at iisiping good things come to those who wait, ok? GIO at CARLO, kayo pa ring dalawa ang hardware specialists ng grupo. salamat sa maraming masasayang alaala. mga chupul kayo! magkakasama-sama pa tayo ng matagal! sa grupong JPEG, maraming salamat at kahit na medyo huli na ako nakasama sa inyo eh (parang) tanggap nyo naman ako. hehe. si FE, natutuwa ako at nagkaroon ako ng pagkakataon na makipagkwentuhan sa iyo at makipagpalitan ng kuro-kuro. sana hindi mo ako makalimutan pagpunta mo ng dubai! size 5 and 1/2 nga pla ang paa ko! hehe. dyoks lang.

    hindi lang sa loob ng block-IB ako nagkaroon ng bagong mga kaibigan, may mga naging malalapit akong bagong kakilala na nakilala ko sa taong ito. unang-una na dyan si KAT LANGREO, sister adik ka! haha! mami-miss ko ng husto ang mga hirit, tawa at kapraningan mo! JOY AKIREI, salamat sa shikimaru keychain! i really love it! sana wag mo pa ring kalimutan na kokopyahin ko pa lahat ng naruto mo! okidokie? KHAI, your humps your humps, your lovely lady lumps! nyahahaha! kahit mommy kana, hottie ka pa rin! hehe. CHE, my lil’ sis! goodluck na lang sa mga plano mo. sana hindi mo ako makalimutan sa pagpunta mo ng canada. small po ang size ng mga tee-shirts ko, ok? hehe.

    syempre, hinding hindi ko makakalimutan ang mga ISAW sessions naming barkada sa up diliman. nagkataon kse na dun kami sa up nagpapa-book bind, kaya direcho na sa isawan habang nag-aantay sa bookbinding. syempre sa isaw sessions nagsimula ang love story ni mukoy at ging-ging (pasalamat kayong dalawa sa akin at pinakilala ko kayo sa isa’t isa!). dito rin nagkabalikan sina alex at val. hehe. at dito rin ang maraming mga kwentuhan, kulitan, burautan, kagaguhan, kapraningan ng barkada. babalik pa tayo mga tol sa up, marami pa tayong isaw sessions, for sure!

    sa huling parte ng taon eh naging busy ako sa outreach program sa brgy VASRA. nakasama ko dito ang tropa ko at nakilala ang ilang mga volunteers na naging mga kaibigan na rin. nakakatuwang experience ang pagtuturo sa mga bata sa outreach. feeling ko na nga noon eh sobrang kakaririn ko na ang pagtuturo at inisip ko na rin na yun na lang ang gawin kong professional career. marami akong nakilalang mga interesting na mga katauhan sa outreach na yun. nandun si AGATHA at WHENG (mga dakilang baklush na sobrang kwela), si RESCHELLE (ang sekretarya ng brgy), si KAP BOBBY (ang kapitan ng brgy), si GARY (pamilyar ka talaga dude, nakita na kita before), ang peyborit naming 3-5pm class (hehe, peyborit naman namin lahat.), at syempre si FAIRE (bok! mis ko na ikaw at ang mga sessions natin!). dito ko rin sa outreach nakilala si ma’am MABEL, empleyado ng AMA head office. kababayan ko yan! parang ate ko na ang turing ko diyan. miss ko na lahat ng tao sa outreach. masayang experience talaga yun.

    kasabay ng pagaasikaso ko sa outreach eh ang jobhunting ko. lecheng jobhunting yan. hindi k inexpect na ganun pla talaga kahirap maghanap ng trabaho. sa sykes, inabot ako ng 4 na interview, at 2 technical exams. pero walang nangyari. leche. sa canon-it, umabot ako sa 2 technical exams (isa para sa MIS engineer at isa para sa software quality engineer) at 3 interview. pero mukhang wala pa ring nangyari. yung sa trendmicro, pasado ako. pero hindi ko kinuha yung job. ayoko ng phone support. ever. hindi yun ang linya ko. mabubuang ako ng nagsasalita sa phone 98% of the time. ma-pride pa ako eh. siguro kapag umabot ng march at wala pa akong trabaho, kakainin ko na ang pride ko at baka pumasok na akong CSR o TSR sa mga callcenters. huhuhu. kawawang neil, wala pa rin work hanggang ngayon. yabang kasi eh. mapili pa. yan tuloy. hehe.

    hay… daming nangyari na talagang naging malaking bagay para sa akin sa taon na ito. hindi ko na ilalagay lahat. tatamarin na akong magtype at lalong tatamarin ng magbasa ang mga nagbabasa nito. kung may nagbabasa pa nito. hehe. pero talagang hindi ko makakalimutan ang taong 2005. ibang klase ito. dami kong pinagdaanan. dami kong natutunan. dami kong nakilala. dami kong narealize.

    sana, sa taong 2006, ganun din ang dating katulad ng 2005. sana mga "MAS" pa. im looking forward for this year to be at least as much interesting and satisfying as the previous one. asteeg.



Leave a Reply