kanina iniisip ko, "bakit nga ba ako nagsusulat dito sa blogsite na ito?"
ewan ko. dati nagsusulat ako dito kse wala akong masabihan ng mga problema ko noon kay bew, ayoko ng istorbuhin ang mga kaibigan ko sa kakapakinig ng mga kababawan ko sa buhay. tapos natapos ang isyu na yun. pero hanggang ngayon nagsususlat pa rin ako dito. tignan mo ngayon, nagbabasa ka na naman ng blog ko (hehehe). parang hindi ko na rin matiis na hindi na magsulat; sa bawat pagkakataon na bubuksan ko ang lecheng friendster account ko, mag-uupdate na rin ako ng blogs ko. hay…
so bakit nga kaya hanggang ngayon eh nagsusulat pa rin ako dito. hindi naman ako kagalingan magsulat (alam ko ang totoo, nyahahaha!), hindi rin naman ganun ka-interesting ang mga nangyayari sa buhay ko, hindi naman intellectual ang mga sinusulat ko dito - so bakit nga kaya? hmmm…
eh bakit nga kaya nagsusulat din sa blogs ang milyung-milyung mga ungas sa buong mundo? may mga sikat, may hindi sikat. may mga interesting ang mga nangyayari, may mga nag-iimbento para magmukhang interesting ang nagnyayari sa buhay nila. may mga nagsusulat para sa acedemia, nagsusulat para sa sarili, may mga nagsusulat para lang magsulat. eh ako kaya?
dati mahilig lang ako magbasa ng mga blogs, alam ko naman kse na hindi ako makakapagsulat madalas dati, at lalong alam ko na hindi ako makakapagsulat na katulad ng mga nababasa ko. hindi naman kse ako writer talaga, nagfi-feeling lang. hehe. pero ngayon, ang hirap na hindi magsulat. kahit na wala lang, para lang may maisulat. pero madalas, kapag may angas ako sa buhay. at marami akong angas sa buhay. amf.
so bakit nga kaya ako nagsusulat pa rin dito, ayan napapahaba na naman ang post ko, at hindi ko pa rin nasasagot sa sarili ko ang tanong na ito. akala ko kse kapag nasimula na akong magsulat, malalaman ko rin in the process.. hehehe. para tuloy real-time ang pagsusulat ako ah, parang spontaneous, parang totoo. hehehe.
hay..
cguro kse nasanay na lang ako. cguro kse pam-pam lang rin ako. cguro kse gusto ko lang magsulat. cguro kse alam ko na dito, kahit na anong sabihin ko, wala ng magagawa ang the rest op di world. kaya kung murahin ko ngayon yung isang lecheng intructor sa AMACU (p*t@ngin@ k@, hayup ka! akala ko kung sino kang magaling? eh mas magaling pa ako sayo! ulol ka! yari ka sa akin kapag nakita kita sa labas ng skool! malas mo lang at maling grupo ng mga estudyante ang natapatan mo! hindi uubra sa akin ang degree mo! at lalong hindi uubra sa akin ang pangit-ngiti mong obvious naman na tinatakpan ang kawalan mo ng alam! leche! *breathe neil, breathe*) eh wala na sya magagawa. nyyahahahha!
hehehe. cge na, maliligo pa ako at marami pa akong errands na gagawin. next time na lang ulit.
Leave a Reply