knina, wala akong magawa, kaya naglibot-libot lang muna ako sa internet. naghanap ng magandang mababasa o mada-download o kahit na anu lang na interesting makita. tapos ako ay napunta sa isang site na patungkol sa isang program na tinatawag ng GoogleEarth. binasa ko, natuwa ako, at dinownload ko yung program. asteeg.
GOOGLE EARTH ROCKS!!! nyahahah!
asteeg na program, para kang may sariling spy sattelite sa pc mo. hehehe. pwede mong maikot at makita ang lahat ng locations sa BUONG MUNDO! pwede mong puntahan ang mga sikat na tourist spots sa buong mundo, pwede mong hanapin ang address na tita mo sa canda, pwede mong hanapin ang pinapangarap mong college sa boston area at pwede mong kunan ng screenshot lahat yun! nyahahah! asteeg. nahihilo na ako sa kakaikot sa mundo. ang saya-saya! nyahahaha!
sayang lng at hindi pa masyadong detailed ang kuha sa mga locations ng pilipinas.. o sa version lng yun ng na-download ko? hmm… eneweis, email ko yung googleearth, para magrequest ng mga dagdag na shots sa pinas para mas maganda. nyahahahh!
kayo rin, download nyo na. pwamis. maganda. hehe.
Leave a Reply