actually, im dreaming of a "HAPPY" xmas.

tulad nga ng nabanggit ni bok sa blog nya, malungkot ang pasko ngayon. ewan ko sa iba, pero para sa akin, pero para sa akin, parang habang tumatagal, hindi na nagiging masaya ang pasko ko. hindi ko maintindihan kung ano ang kulang o kung may kulang ba talaga. hindi ko alam, basta ang sigurado ko eh hindi na kasing saya dati ang mga pasko nitong mga nagdaang mga taon.

noong bata pa ako, sobrang saya ang pasko. talagang inaabangan ko ang pasko. oo syempre kasama na duon ang pag-abang sa mga regalo at ang masaganang pagkain sa pagsapit ng alas-dose, pero yung overall na feeling na masaya yung araw (o gabi) na yun eh talagang nararamdaman. pero nitong mga nagdaang taon (mga 3 years na yata) eh talagang nawawala na sa akin yun pakiramdam na yun.

naaalala ko pa noon na pagkatapos ng kainan sa sari-sariling mga bahay, nag-iikot kami ng mga barkada ko sa mga kapitbahay at nakikikain sa mga handa ng iba. syempre, malamang may handa ang kapitbahay na wala sa inyo, diba? pero hindi lang yun ang dahilan, ramdam yung pakiramdam ng pagkakaibigan at pagsasalo-salo sa isang napakasayang okasyon. ilang taon na ring hindi na nagagawa ang tradisyon na yun. dati, magdamag kaming gising dito sa bahay. pagkatapos kumain, magkukwentuhan, manunuod ng TV o pelikula sa VCD o magpapatugtog ng masasayang musika. ngayon, pagkatapos kumain, ilang picture-taking, tulog na. yung dalawa kong kapatid eh mag-iinuman kasama ang mga barkada nila (hindi naman ako makasama kse huminto na ako sa pag-inom - oo, huminto na ako, wag na kayong umapila). kapag sinuwerte, magbababad na lang ako sa telepono, kausap kung sino ang nasa trip na makipagkwentuhan.

saya ng pasko ko no? ewan.

ano nga kaya ang kulang sa pasko ko nitong mga nakaraang taon? dahil kaya sa hindi ako naniniwala sa "totoong" dahilan ng selebrasyon ng okasyon na ito? pero teka, kahit noon pa man eh hindi ako naniniwala, pero masaya naman. hmmm… siguro talagang nawala na lang sa akin yun "spirit of christmas" kaya ganun. baka nga… pero ano ba talaga ang "spirit ng christmas"? pagbibigay? pagtanggap? pagsasalo-salo? pasasalamat?

hindi ko alam. pero ang alam ko, gusto ko ng isang masayang pasko. yung katulad ng dati. kahit sa ibang pamamaraan, pero gusto ko pa rin na maramdaman yung saya na nararamdaman ko nung bata pa ako tuwing pasko… leche, ito na nga lang isang okasyon na dapat talaga eh nagiging masaya ang lahat, diba? kaya sana, maging masaya… diba?



Leave a Reply