yey! nakauwi na ako!

December 30th, 2005 | Weblogs |

elow!

kakabalik ko lang actually galing sa isang 4-day psuedo-vacation sa bicol with my parents, 2 brothers, my future-sister in-law at my favorite pamangkin (actually, nag-iisang pamangkin. hehehe). ayoko pang matulog at magpahinga kse na-miss ko talaga ang aking pc at ang pag-iikot ikot sa internet. saka syempre ang pagda-download ko ng anime (hindi ko pa kse tapos kunin ung episode 21&22 ng initial d).

so yun, dito ulit ako ngayon, nagsusulat ng kung anu-ano at tungkol sa kawalan. ewan ko. trip ko magsulat eh.

actually, every year tuwing pagkatapos ng pasko eh umuuwi talaga kaming pamilya sa bicol. not really to celebrate the christmas season, but to commemorate the life & death of my lolo at lola (parents ng tatay ko). magkasunod na nagpaalam ang lolo at lola ko, isang linggo lang ang pagitan. siguro hindi na kinaya ni lola nung nawala si lolo, kaya nag-decide na rin syang umalis. ang sweet. in a tragic kind of way.

ilang taon na rin naming ginagawa ang pag-uwi-uwi na yan sa bicol every after christmas. ang usapan kse ng tatay ko at mga kapatid nya eh bawat isa sa kanila ay magho-host every year ng anniversary celebration ng pagkamatay nina lolo at lola. this year nakatoka ang tatay ko, pero kahit nung mga nakaraang mga taon eh parang si tatay lang ang nag-aasikaso ng husto. last year, kami rin lang ang umuwi. ngayong taon, kami rin lang ulit. wala ang mga pinsan, wala ang mga auntie at uncle. of course, exception na dun yung mga kamag-anak na dun na mismo sa bicol naka-tira. laging nandun ang mga yun. hehehe. though may ilang mga kapatid sina tatay na hindi nkakapunta (dahil sa ilang mga personal na dahilan), marami pa rin namang mga kamag-anak ang pumupunta sa selebrasyon.

nakakatuwang isipin ang ginagawa nilang magkakapatid (si tatay at siblings) para gunitain ang buhay at pagkamatay ng kanilang mga magulang. talagang makikita mo na kahit na wala na sina lolo at lola eh mahal na mahal pa rin talaga nila ang mga ito. kahit nga yung pari na nagmi-misa every year sa celebration eh hindi matago ang tuwa sa tuwing maiimbitahan sya na mag-misa para kina lolo at lola. natutuwa daw si father dun sa ginagawa nilang pag-gunita sa kanilang mga magulang at yung effort na binibigay para magkikita silang magkakapatid kahit na nasa malalayo ng lugar ang ilan.

naisip ko tuloy, kami kya ng mga kapatid ko eh magbibigay din ng ganung effort? sana. tatlo na nga lang kaming magkakapatid diba? bakit hindi pa namin magawa yun para sa mga parents namin. lalo na ang dami ng sakripisyo nina nanay at tatay sa amin. (salamat po, nay! tay!) at sympre, kahit na hindi namin gaanong nasasabi sa kanila, labs na labs talaga namin at peyrents namin. dapat lng naman talaga na ganun din ang gawin namin para sa kanila, mahiya naman kmi, diba? hehehe.

hay..

though hindi naman puro pagmimisa at pagdarasal at kainan ang ginawa namin dun. nagkaroon din naman kming magpipinsan ng kaunting adventure nung pumunta kami sa "farm" nila lolo at lola. pumunta kami sa isang "hidden" ilog para mag-swimming. pero hindi naligo, sila lang. nakilublog lang at nakiwisik ng tubig. naligo na kse ako bago pa pumunta sa ilog. dapat eh magbabangka pa kmi sa dagat kaso wala yung kuya-pinsan namin na may bangka. sayang. hehehe.

medyo naubos ang oras (at araw) naming pamilya sa roadtrip. itong pag-uwi namin ang pinakamahabang record namin na byahe. 12 hours on the road kami. grabe. sobrang trapik sa alaminos, quezon hangang san rafael. hay.. sakit sa puwit. buti na lang at kasama namin ang peborit pamangkin at inaliw kami sa mga bago nang natutunan.

hay..

so yun. gnun lang. saya noh? hehe.. sabi ko sa inyo eh, wala lang talaga akong maisulat. yan, inaantok na ako. cge, next time na lang ulit. nyahahahha!



Leave a Reply