musta na mga peeps? hehehe.
update na ulit ako ng blog site ko, npansin kse ng isang kaibigan na hindi na raw ako nagsusulat sa blog. wala na raw kse syang nababasang "buNNy has updated his friendster blog" sa inbox nya. hehe. so ito, update na ulit.
sa mga hindi ko po nakakausap ng madalas, may work na po ako. well, sort of. hehe. its a work/study mode para sa akin ngayon. nakakuha ako ng scholarship para sa masteral program sa mapua. at yung company na ngprovide ng scholarship, sa kanila ako mgtatrbaho. exciting. hehe. lalo na yung masteral eh major in software development. so yun talaga yung gusto ko na linya. so finally, after 5 months of looking for a job, i got something that i really want. katulad nga ng isang kakilala ko: GOOD THINGS COMES TO THOSE WHO WAIT. ^_^
pero hindi lahat ng magagandang bagay eh makukuha mo ng walang "catch". kanina was the first day of classes namin sa mapua para dun sa masteral, so finally eh nakasama ko na sa loob ng classroom yung mga kasama ko sa scholarship program. at naramdaman ko ulit yung naramdaman ko nung unang linggo ko sa ramon magsaysay high school noon at nung first sem ko sa up diliman. yung pakiramdam na nanliliit ka. grabe. natameme ako sa experience ng mga kasabayan ko doon. yung feeling na parang napasubo yata ako sa pinasukan ko. hay.. todo yung pressure na naramdaman ko kanina sa class namin. 90% ng mga kasama ko doon eh may experience na talaga ng marami sa software development. ako? puro case study lang sa school ang nagagawa ko pa lang. maning-mani yun sa mga nagagawa ng mga kasama ko doon. pati sa mga platforms na ginagamit, sa mga programming languages na kayang gamitin. ahahahay… parang feeling ko kanina gusto kong matunaw sa kinauupuan ko. hindi na nga lang ako nagsasalita dun sa discussion. pangiti-ngiti na lang ako dun sa mga classmates ko. huhuhu.. kawawang buNNy, mukhang mangungulelat sa klase nya.
hay…
hindi naman sa wala akong tiwala sa kakayahan ko pagdating sa programming. kaso talagang lamang lang sa experience ang mga kasama ko dun. talagang kailangan ko lang gamitan ng kakaibang majika at kage-level na jutsu para lang makahabol sa mga kasama ko. i badly need a pc of my own ngayon. kailangang todo-tutok na ulit ako sa pag-aaral ng mga PL na kailangan sa masteral at training sa company. kailangang mag-upgrade. magda-download na ako ng service pack 2 upgrade para sa utak ko. kailangang paganahin ko na ang pagiging takumi fujiwara ko. (sa mga hindi ko nakakakilala kay takumi fujiwara, isa po syang henyo sa pagmamaneho at drifting. ang main na ability nya eh yung mag-evolve at gumaling kapag nakakaharap ng mga magagaling na race drivers.)
goodluck talaga sa akin sa masteral na yan. gagalingan ko na lang. ibibigay ko na lang lahat. pero for the mean time, kailangan ko munang magkaroon ng sariling pc. para mtutukan ko na yung pagaaral ko ng mga bagong PL. makapag-load nga sa tatay ko. hehe..
neil ankyut ng virtual pet mu sa friendster.