wala lang. update lang.

January 27th, 2006 | Weblogs |

hay…

so ito na nga po, after two weeks ko sa unang buwan ko sa masteral program na pinapasukan ko, nalaman ko na hindi lng pala ako ang nakaramdam ng kakaibang pressure sa pagpasok sa program na iyon. akala ko ako lang ang nakaramdam ng parang nagkamali yata ng desisyon na pasukin yun. hehe. goodluck sa aming lahat!

though medyo malakas ang pressure na binibigay ng masteral program na iyan, natutuwa namana ko sa mga class namin kse may mga natututunan naman ako. hindi pa masyadong marami, at hindi pa lahat technical, may mga napipick-up na akong ilang mga ideas at techniques. at malamang in the long run eh mas marami pa akong matututunan. sana. sayang naman siguro ang pagpasok ko dun kung wala akong matututunan.

oo nga pala, starting sa lunes eh officially employee na ako ng MISnet. yung company na nagbigay ng scholarship sa mapua. entry-level position at part-time lang daw muna kami. (though ang schedule namin eh hindi mukhang pang part-time.) dahil siguro na rin sa fact na kasabay ang pag-aaral sa masteral. pero ganun pa rin, marami pa rin load. goodluck sa akin. ito na ito. todo na. welcome to the professional world, bunny boy! nyaahhahah!

tapos dami ko pa aaralin na mga PL. right now, self-study ako ng java, specifically j2se. tapos aaraling ko rin ang oracle10g, mysql (connecting to jdbc), at ingress. tapos aaraling ko rin ang .NET kse yun ang kailangan sa office. grabe na ito. pigang-piga ang utak ko, pwamis. kung hindi ko lang talaga hilig ang pagpo-program at wala akong drive na matuto pa ng husto eh susuko na talaga ako. sana may makatulong sa akin na araling ang mga iyon… meron ba diyan na interested? heheh.

sa monday, simula na ang bagong chapter. goodluck sa akin. at sa unang sweldo ko, magja-jollibee tayo! nyahahahaha!

oo nga pala, beh, goodluck rin sa atin.



Leave a Reply