kapa dito, kapa doon.

February 15th, 2006 | Weblogs |

nasubukan mo na bang mangapa sa dilim? ako, simula nung lunes, nangangapa na ako sa dilim. of course, figuratively speaking lang po iyon. hehe.

kse naman, nagsimula na ang kalbaryo ko sa work. binigyan na ako ng task na gagawin para sa team na kung saan ako naitalaga. meron akong tatlong tasks (wow, para akong nasa bahay ni Kuya), nagsimula yung una nung lunes at kailangan ko nang mai-submit yun bukas. tapos meron pang mga susunod. hanggang feb. 26 marami ako gagawin sa opisina.

so bakit nga ako nangangapa sa dilim? kse ang gamit ko ngayon na programming language eh PHP. at nagkataon lang na inutil ako pagdating sa PHP. binigyan ako ng Class SS na codes na aaralin at ie-edit habang ang alam ko lang sa PL na yun eh "hello world." asteeg. ni wala man lang kaming mga training chuvacheness bago isabak sa labanan. para akong sundalong binigyan ng tinidor para makipaglaban sa giyera. ibang klase. yung iba sa mga ka-batch ko, nag-eenjoy sa training nila. almost 2 weeks na silang patraining-training, ako (at si liz. hi liz!) eh naiwan na nangangapa sa dilim. goodluck naman sa amin, diba?

ok lang sana kung nailagay ako sa .NET group, atleast hindi malayo ang transistion ko kse adeek ako sa visual basic. pero sa PHP, isa akong hunghang na nagpupumilit.

bukas, meron pa akong 8 oras para makamit ang deadline ko. sabi ng team leader ko, "have faith" daw. darating daw sa akin ang mga sagot sa problema ko sa PHP. ewan ko lang, masyadong madilim ang hinaharap ko para makakita pa ako ng pag-asa sa module na natalaga sa akin. bukas, araw ng pagtutuos. sana malampasan ko. sana kayanin ko pa hanggang sa katapusan ng project na ito.

hay..

hindi ko alam kung saan kukuha ng driving force, pero sige lang. kung kapaan at kapaan rin lang, kahit papaano may nayayapos pa rin. sabi nga ni Vivian, "Aja!" goodluck na lang talaga.



Leave a Reply