para sa mga nakasama ko nitong lst part ng 2005, alam nila na nagkaroon ako ng experience na makapagturo sa isang outreach program sa isang baranggay malapit dito sa amin. sa mga nagbabasa ng blog ko, maaaring nabasa na nila ang ilang mga posts ko tungkol sa experiences ko duon. masasayang mga experiences. enriching. fulfilling. though of course may mga hirap din. (mahirap maging teacher. i should know, teacher ang mother ko, ang dalawa kong auntie, ang lola ko at sister nya, pati ilang mga pinsan at ilang kamag-anak na hindi ko kilala personally. hehe.) pero overall, it was a great experience. yung 3 months na ginugol ko para maibahagi sa mga kabataan yung mga nalalaman ko, at matulungan sila na matuto sa mga subjects na itinituro namin para sa outreach na yun. hindi ko makakalimutan ang mga araw na nanduon ako.
ngayon, nagtatrabaho na ako sa isang IT company sa makati, with a scholarship (sponsored by the company) para sa masteral program sa mapua, makati. isa akong programmer dun. yung kind ng trabaho na gusto ko talagang makuha since nagtapos ako sa AMA. nakngtokwa, nagtapos ako ng computer science, malamang yung ung kind of work na kailangang makuha ko, right? ang pagiging isang programmer (or anything very much related as course ko) ang logical choice para kunin ko na work, right? right.
now, my former project manager has contacted me to know if its possible for me teach ulit dun sa second batch nung outreach program and for another one in anoter baranggay in qc. of course i told her na hindi na ako pwede kse nga kse super haggardness na ako sa work ko (and masteral). i told her na pwede ko siyang tulungan sa paggawa ng mga modules na ituturo para sa both programs, so we got into this conversation sa kung ano mga topics na magandang isama sa modules (from experince na rin sa unang batch na inasikaso ko and our team) and kung sinu sino sa original team ang availble at possible na magturo. napagusapan na rin yung mga naging problems sa unang batch at kung papaano yung maiiwasan ngayon. marami pa kami napagusapan, tungkol sa mga instructor, sa mga estudyante, sa mga materials, sa mga issues sa mga head ng project na yun. basta, madami.
without me realizing it agad, naisip ko kung gaano ko na miss magturo. sobra, na miss ko talaga. after namin magusap nung former project manager ko, naisip ko agad yung mga araw ko dun sa brgy. vasra na nagtuturo ako dun. naaalala ko pa yung unang araw ko dun, halong excitement at kaba. syempre first time ko magtuturo ever at talagang gusto ko tlgang subukan kung kaya ko, kung kakayanin ko ba magturo. naalala ko rin yung mga estudyante ko na mga halo-halong mababait, tahimik, pasaway, delingkwente. naalala ko yung mga angas at angal naming mga instrcutor, yung mga internal na issues. naalala ko rin yung mga araw na magtuturo ako ng ako lang mag-isa from 8:00am to 5:00pm ng isang linggo (pamatay yun, sobra). tapos yung over-delayed na graduation ng mga estudyante namin.
kahit na hindi naman ako kasama sa second batch ng program, naging excited ako. naramdaman ko na gusto ko tlagang magturo. gusto kong maging isang teacher. siguro nga malaking implewensya na teacher ang nanay ko (in fact isang magaling na teacher yun, naging outstanding teacher of qc awardee yun nung 1997), pero naniniwala kse ako na isang marangal na trabaho ang pagiging guro (naks!), naniniwala ako ng isang malaking tulong sa lipunan ang pagiging isang guro. yun nga lang, laging sinasabi ng nanay ko, hindi ako yayaman kung magiging teacher ako. dapat daw laging may sideline pa na pinagkakakitaan.
totoo, mahirap maging isang guro. isa itong 24-hour job. naguturo ka kapag nasa eskwelahan ka, tapos paguwi mo, gagawa ka ng lesson plans, pag-aaralan mo yung mga ituturo mo, tapos magche-check ka pa ng mga exams or quizzes ng mga estudyante. nakakapagod na trabaho. pero hindi ba lahat naman ng trabaho parang ganun din? nakakapagod. lalo na sa ngayon na lahat fast-paced na. pero hindi ko alam, excited ako na maging isang teacher. isang magaling na teacher. GTO ang dating. hehe.
siguro nga hindi na muna ngayon. may iba na akong tinututukan. nandyan yung work ko sa makati, nandyan din yung masteral course na gusto ko talagang matapos. siguro kapag natapos ko na yung masteral ko. at kapag dumating ang panahon na iyon at nandun pa rin ang nararamdaman ko na ito, siguro nga magdedesiyon na akong subukang magturo full-time. asteeg.
Leave a Reply