hmm..
medyo matagal na rin akong nawala sa sirkulasyon ng pagba-blog ah. hehe… ewan ko ba, wala naman akong ginagawa dito sa bahay, pero parang wala ako sa mood na gumawa ng kahit na ano. yung paper ko (actually "namin", kse groupwork yun) dun sa isang subject ko sa masteral ko eh hinassle ko ng isang araw lang, imbes na gawin ko noon pa. yung mga exercises dun sa isa ko pang subject eh dalawa pa lang ang natatapos ko, lima ang kailangang ipasa. magandang senyales yan na ipapasa ko ang subject na yun. hehe… pero ewan ko. hindi ako pressured. parang feeling ko may milagrong mangyayari na hindi ko maintindihan. o talagang tinamaan lang ako ng katam… ewan.
sa mga naghahanap ng magandang movie na mapapanood nitong week na ito, i would suggest na panoorin nyo yung "V for Vendetta". kahit wala kayong alam dun sa graphic novels kung saan binase ang movie na iyon (though it would be much better na mag-research kayo ng kahit na kaunting details tungkol sa graphics novel na v for vendetta ni master comic book writer alan moore…) eh magugustuhan nyo. parang its meant for these kind of times. maganda ang tema ng movie at maganda ang social issues na nais ipakita ng movie na iyon para sa atin. isang social commentary sa importansya ng demokrasya at kapangyarihan ng mga mamamayan para ipaglaban nila ang sa tingin nila ay tama at ibagsak ang sa tingin nila at mali.. naks.. lumalabas ang pagiging tibak ng isa diyan… hehe. natuwa ako dun sa isang sinabi ni V (ang bida sa movie na iyon, na ginampanan ng walang iba na si hugo weaving!) dun sa movie. sabi nya, "people shouldnt be afraid of their govenment, the goverment should be afraid of its people." or something to that effect. tama nga naman sya. nandyan ang ating gobyerno para pangalagaan tayo at protektahan, hindi para tayo ay abusihin at gawing mga tanga. nandyan ang gobyerno natin para alagaan ang interes ng mga mamamayan (lalo na kung demokrasyang gobyerno tulad natin) at hindi para sa kanilang sariling mga interes (i mean ng mga tao sa gobyerno). diba? oo. cguro. maybe. korek!
kung mahilig ka sa sports movie, i think magugustuhan nyo ung "Glory Road" na movie. think of it as "Remember The Titans" na basketball version. actually, ung Glory Road eh produced din ng same team as of Remember The Titans, so u get the idea. Its about a basketball team from 1960’s na naging pinakaunang college basketball team sa states na nagchampion sa NCAA na may all-black first five. so naging daan yung champsionship na iyon for many black players para ma-appreciate ang kanilang talento sa basketball. well, sa panahon ngayon, sila ang may pinakamaraming magagaling na basketball players sa nba. so i guess it turned out well for many african-american basketball players. asteeg. kung napanood nyo yung remember the titans, i think magugustuhan nyo rin ito.
hmm.. ano pa ba? gusto nyo ng comedy at maisama ang buong pamilya? panoorin nyo yung Nanny McPhee! hehe.. actually papanourin ko pa lang yun. natutuwa kse ako sa mga english comedies (english as in british po, hehe…). gusto ko yung kind of comedies na nagagawa nila. think of "love actually", o kaya yung "bridget jones’ diary", o kya "sense and sensibility… teka, parang puro hugh grant yun ah? hehe.. ok lang, nakakatuwa naman mga movie nya eh. pero kahit na wala sya sa Nanny McPhee, nandun naman si Emma Thompson na kasama nya sa "Love Actually" at "Sense and Sensibility". hehe. eneweis, maganda ang mga reviews ng movie na iyon, so i think na mag-eeenjoy ako panuorin yun.
kung gusto nyo ng no-brainer movie na magpapatawa lang sa inyo (at wala ng ibang maibibigay sa inyo), showing na ang "Date Movie". though wala akong plano na magsayang ng pera sa sinehan para panuorin yun. sa di-bi-di bka pwede pa. hehe…
so yun, see you at the movies! at kung manunuod kayo ng movie sa SM Malls, wag na, sa Gateway na lang kayo manuod. same price, mas maganda pa ang mga sinehan. at baka magkita-kita pa tayo dun. hehe.. pero kung malayo kayo sa Gateway, wag na lang. sige, magtyaga na lang kayo sa malagkit at matao at malabong silver-screen ng SM Malls. nyahahahahah!
salamat sa sugesstions
been wondrin’ what movies to watch this week eh. hehe.
no prob… glad i could help.. hehe… ^_^
nga pala, musta ang work? i was really glad u got into that job! ^_^