pasasalamat.

March 9th, 2006 | Weblogs |

minsan, naiisip ko, kapag nagsusulat ako sa blogsite ko na ito (na bihira ko na magawa kse hindi accessible ang friendster sa office at kapag umuuwi ako eh super pagod na at diderecho na lang akong matulog), eh puro na lang angal ang naisusulat ko. natatanong ko tuloy minsan sa sarili ko, marami ba talaga akong angas at angal sa mundo? hmmm.. baka nga.

so ngayon, para maiba lang, eh magsusulat naman dito para magpasalamat. naks. parang andami kong mapapasalamatan sa dami ng problemang kinakaharap ko ngayon eh noh? hay.. eneweis, so yun nga, pasasalamat. hmm.. sino nga ba at anu-ano nga ba ang pwedeng pasalamatan nitong mga nakaraang araw?

unang-una eh gusto kong pasalamatan ang tatay ko sa buhay na kanyang ibinahagi sa aming pamilya na naiwan nya. masakit mang tanggapin na wala na ang tatay ko, pero kailangan. salamat ‘tay, sa pagpapalaki mo sa aming magkakapatid, sa pagdidisiplina, sa pagmamahal, sa pag-aalaga at pag-aalala. salamat ‘tay sa pagtaguyod mo sa ating pamilya. salamat sa pagiging isang mabuting ama ng tahanan at isang pader na laging pwedeng sandalan. maraming maraming salamat. grabe.

gusto ko ring pasalamatan ang buong MESCO family ng tatay ko na talaga namang sumuporta sa amin at tumulong sa pag-aasikaso sa mga kailangang asikasuhin dahil sa pagkawala ng tatay ko. salamat at nandyan kayo at nakiramay at nakibahagi sa isa sa pinakamasalimuot na bahagi ng buhay namin.

salamat din kay boss allen, boss ng tatay ko. salamat sa lahat lahat ng tulong na iyong binigay at binibigay. samalat. hindi ko maisulat kung gaano ako nagpapasalamat ng husto at nandyan ka at tinutulungan mo kami. salamat.

hay…

bew, salamat at nandyan ka palagi at iniintindi ako (kahit sumusobra na ako minsan). salamat sa pagmamahal. buti na lang at hindi ka pa nagsasawa sa akin. mwah!

sa mga bago kong kaibigan sa kumpanya na pinagtatrabahuhan ko, salamat sa pagkakaibigan. sana tumagal pa ako sa kumpanya na yan para magkasama-sama pa tayo ng matagal. leche lang talagang mga kontrata yan eh noh? hay naku talaga.

anu pa ba? hmmm…

salamat naman at kahit papaano eh hindi pa nagkakagulo ng husto ang mga lansangan at mga nasa gobyerno sa likod ng lahat ng mga nangyayari sa ating administrayon. nakakatakot kung magkakaroon bigla ng mga kudeta-kudeta na yan. pero sana eh matapos na yang 1017 isyu na yan at matahimik na tayong lahat.

salamat nga pala sa isang kaupisina ko na may mabuting loob na naka-share ang mp3 folders nya. grabe, kung hindi dahil sa iyo eh hindi ko makikilala ang peborit kong band of the moment, ang Up Dharma Down at Smooth Friction. sa mga hindi pa naririnig ang tugtugan ng dalawang bandang ito, i suggest na pumunta kayo sa tower records at hanapin ang album nila (ung smooth friction eh may mga available mp3’s sa soundclick.com) at bilihin (dont buy pirated LOCAL cd’s!) ang album nila at i-enjoy ang kakaibang musical experience na hatid nila! nayahahahh!

pero… ndi ko talaga makaya na hindi maglabas ng sama ng loob at umangal at mag-angas. kse naman po, unang work ko pa lang eh hassle na agad. hay naku. akalain mo ba naman na tatlo (yes, three, tatlo..) beses nang nagkaroon ng revisions ang contract namin na habang tumatagal eh lalong nalulugi ang mga scholars nung kumpanya na tulad ko. hay.. ewan ko ba. hindi ko alam kung hanggang saan at kailan ako magtitiis sa sistema nila. dalawa na ang tumiwalag sa scholarship program, ang isa sa amin eh aalis na rin dahil sa sama ng loob. ako, nagsisimula ng maasar ng husto. leche.

hay..

cge na nga.. tama na nga muna yan. medyo mahaba na rin itong post ko na ito. bumabawi lang, tagal ko nang hindi nakakatambay dito eh.  ciao!



2 Responses to “pasasalamat.”

  1. condolence my dear friend,,, im not around when u’r in need…….. pakisabe na rin kay tita and to all the members of ur family condolence……. i know na naging mabuti siyang ama at asawa sa inyo at kay tita…. again condolence from our family to yours…..
    musta na lang din kay ate bench at goodluck sa career mo….
    its i,
    cat

  2. ei jocat! tenks sa thoughts… hay…

    salamat talga…

    sensya na kung ndi ako masyadong nakakapgpramdam sa inyo.. busy lang tlga…

    ingats lagi! kitakits kpg may time.. sabihin mo kay ardie reunion nmn tayo! hehe..

Leave a Reply