for the past weeks, i have been drowning myself to my new addiction, i have been drowning myself with the music of up dharma down.

naks…

well, wat can i say, eh ganun talaga, talagang na-adeek na ako sa tugtugan ng bandang ito. ibang klase, its a great break from all the pinoy mainstream bands that have been flooding the airwaves (lecheng "ulan" yan, itigil nyo na please ang pagpapatugtug nyan! kailangan pa bang imemorize yan!), and from the monotony of the kind of music that’s been playing in the radio. ewan ko ba, talagang from the first time ko narinig yung tugtugan nila (accidentally pa nga eh, kse kinopya ko lang galing sa isang pc sa network ng office namin. though bumili na po ako ng original copy ko ng cd, thank you.) eh talagang hindi ko na tinigilan ang pagpapatugtog. kapag gumagawa ako ng workload ko sa office, yung "fragmented" album ang una sa playlist ko. pagdating ko sa bahay, ganun din. kapag walang ngpapatugtog sa umaga dito sa bahay, ung cd ng UdD ang pinapatugtog ko. grabe na ito. ginawa ko ng vitamins ang tugtugan nila.

sana nga lang eh magkaroon ako ng pagkakataon na makapanood ng gigs nila. i would love to hear them play live. lalo na ngayon na medyo maluwag na ang schedule ko. acutally, miss ko na rin talaga makapanood ng mga live gigs. the last time yta ako na nakapanuod ng mga bands sa live gigs nila eh yung Admit One productions ng twisted halo and company dun sa freedom bar. at ang tagal na nun, pwamis. hehe..

nakakatuwa na sa likod ng mga nakakasawang "wallpaper music" ng mga bandang madalas nating naririnig sa kasalukuyan eh may mga ganitong mga bandang talagang nag-stand out at nagpapakita ng kakaibang talento at ibang lebel ng musicallity. syempre nandyan ang UdD, paramita, urban dub, twisted halo, matilda, smooth friction, mistula, shiela and the insects, soft pillow kisses, neruda, at marami pang iba.. sana lang talaga eh mabigyan ng air time ang karamihan sa kanila. para mas marami pang maka-appreciate ng galing ng pinoy bands.. lalo na ung mga indie. asteeg. hehe..

neweis, yun nga.. bili kayo ng cd ng UdD, indi kayo magsisisi. pwamis. aby! alam ko binabasa mo ito, bili ka ng album nila. maganda, pwamis. hehe…



Leave a Reply