hay..

April 30th, 2006 | Weblogs |

hindi ko alam kung alam ninyo kung gaano kahirap yung mga pagkakataon na lagi kang titignan sa ilalim ng microscope. yung tipong halos lahat ng lang ng gagawin mo eh i-scrutinze, susuriin at iimbestigahan. madalas, nakakapraning ang ganun.

nakakapraning yung pakiramdam mo eh hinahanapan ka ng butas, ng pagkakamali, kahit na alam mo sa loob mo na wala ka namang ginagawang masama talaga. tapos kapag nag-react ka, guilty ka. talo ka. ang saya noh?

alam ko na marami akong nagawang katarantaduhan sa buhay ko. marami akong nagawang mali at nagawan ng mali. alam ko yun. pero walang pagkakataon na naiisip ko yung mga ginawa kong kagaguhan na hindi ako kinakain ng konsesya ko. totoo yun. nakakapraning ang guilt. lalo na kung alam mo na grabe ang nagawa mo na pagkakamali, lalo na kung may nasagasaan - na kung may nasaktan. nakakapraning ang guilt.

pero ang mas nakakapraning eh yung alam mo na nagsisisi ka na, ginagawa mo lahat para makabawi, kinakain ka na ng konsensya mo, pero pagdududahan ka pa rin. masakit yun. pwamis. hindi pa ba sapat na napapahiya ka na sa sarili mo pa lang? na nanliliit ka na sa sarili mo pa lang? o talagang minsan kulang pang kaparusahan ang lunurin mo ang sarili mo sa hiya at konsensya? sana hindi.

madalas, ang hirap talagang bawiin ang nasira ng tiwala. alam ko yun. halos araw-araw pinagdadaanan ko iyon. sinasabi ko na lang minsan sa sarili ko na deserving ako ng pahirap na ito. consequences ng mga kagaguhan ko noon. pero minsan, naiisip ko, "ginagawa ko naman ang lahat para makabawi, kailangan pa ba talaga ng ganito?" siguro nga. ewan ko. hindi ako sigurado. pero ang isang sigurado ako, kung ano man yung mga nagawa ko noon, hindi ko na iyon uulitin. ginagawan ko na paraan para siguraduhin yun. sana lang, naapreciate ang mga ginagawa ko. sana. sana kahit papaano eh makakuha ulit ako ng tiwala. paunti-unti. hanggang mabuo muli.

ika ng isang kasabihan, "if you lose trust, you’ll never get it back." sana hindi totoo yun.



2 Responses to “hay..”

  1. alam mo neil, pag nawala na ung tiwala ng isang tao sau na mababalik yung dating trust na meron ka sa kanya… ndi na 100%. although meron pading natitira.. masasabi ko na kahit 1% lang ang nabawas sa tiwala sau ng isang tao parang ang laki pdin ng nawala. mahirap hanapin ang trust pag nawala na… may mga taong kelangan munang i-test ka para ma-assure na nagbago kana, iba-iba lang cla ng standards. un lng kasi ang assurance nila, for now.

  2. yeah, i know.. ang hirap lang tlaga kse minsan. ang hirap ng ipit ka na sa sarili mo, pati pa sa ibang tao.

Leave a Reply