madalas talaga kapag wala ka ng choice na gagawin sa buhay mo, mapipilitan ka na gumawa ng kahit na ano para lang mapunuan ang oras na nasasayang sa araw natin.
kanina, buong araw akong walang kasama dito sa bahay (nasa davao ang nanay ko, nasa batangas ang dalwang kapatid ko, at nasa
COA ang auntie ko.. asteeg. lahat sila nagbabakasyon at nagpapakasarap
habang ako eh nagbabantay ng bahay. ang saya ng buhay ko.) at talaga naman pong na-bore ako ng husto. wala akong magawa. naubos ko na ang lahat ng vcd na ni-rent ko sa ACA nung lunes. nagpaulit-ulit na ang up dharma down sa cd player ko.
at ng maubusan na talaga ako ng magagawa, naisipan kong magsulat ulit. kaya ayun, nag-update ako dun sa isang blogsite ko, ang "imbecillesque"… hehe.. lheng, kung nagbabasa ka pa dito, i know matutuwa ka at nakapag-update na rin ako dun sa wakas.. hehe..
aneweis.. check nyo na lang kung may time kayo. kung wala.. wla na akong magagawa pa dun.
kitakits!
Leave a Reply