sa lahat ng mga tarantado sa mundo, ang pinakakinaasaran ko eh yung mga walang utang na loob. yun yung mga tipo na talagang pinag-iinit ng ulo ko. sa kahit na anong sitwasyon, pinaka-ayoko talaga yung tinulungan mo na’t lahat, binaba mo yung pride mo, tapos babaliktarin ka pa tapos papalabasin kang masama.

tangna talaga ng mga taong ganun. tangna talaga yung mag-anak ng nanay ng pamangkin ko. tangna nilang lahat.

sa totoo lang, habang sinusulat ko ito, gusto ko nang pumunta sa lugar ng babaeng yun at pagmumurahin sila na parang wala ng bukas. ang kakapal ng mukha. tangna ng mga yun. simula ng pinanganak yung pamangkin ko, ang pamilya na namin ang halos gumagastos sa bata. yung pang-araw-araw (gatas, diaper, etc.), mga monthly check-up, at kung anu-ano pa. ok fine, may binibigay din sila (ewan ko kung gaano kalaki yung suporta ng side nila), pero malaki na ang naibibigay naming suporta dun sa bata, hindi lang financially, pati emotionally. mahal na mahal namin yung pamangkin ko na iyon. kapag nandito yun, prinsesa yun. lahat ng atensyon nasa bata.

tapos mababalitaan ko, ngayon lang, na hiniritan ng lecheng nanay ng babaeng yun na sila lang daw ang sumusuporta dun sa pamangkin ko ever since na pinanganak yun?! tangna pala nila eh! baka gusto nila na magkabilingan kami at mapahiya sila. mga social-climbing, wannabe-rich! ewan.
may araw din ang mga lecheng yan. at kapag nagkataon, ipapamukha ko sa mga lecheng yun ang kakapalan ng mukha nila.

sino ba sa tingin nila ang hinihingian ng nanay ng pamangkin ko ng pambili ng tubig at gatas every week na pinamamalengke pa nila sa tandang sora? sino sa tingin nila ngbabayad ng sweldo ng yaya nung bata nitong mga nakaraang buwan. sino ang gumastos sa ospital nung nagparaspa si gaga nung sinubrahan ang inom ng gamot pampaplaglag dahil nabuntis na naman?! leche sila. ang kakapal talaga ng mukha. akala mo kung sinong mga magagaling at marurunong. eh nasan ba sila ngayon?! tangna.

tangna, ang iniisip ko na lang talaga ngayon eh yung bata. lalaki sa slums area, na punong-puno ng mga tsismoso at tsismosa at mga tambay. kasama ang pamilyang mga walang utang na loob. hay naku… nakaka-awang bata.

ewan ko. pati tuloy nanay ko hina-highblood na naman dahil sa pamilya na yan. pai yung bunso kong kapatis eh gustong lusubin na yung lugar na yun. pucha. ewan ko ba. ang dami-dami na ngang problema namin ngayon dumadagdag pa yang mga yan. ang kakapal ng mukha. wag na wag talaga silang magpaparamdam dito, at makakarinig sila ng hindi maganda sa akin. at wag na wag silang hihingi ng tulong dito sa amin, tutal pinamumukha naman nila na sila lang ang nag-aasikaso ng lahat. kainin nila ang pride nila, tangna nila.

*hinga mikko, hinga. ang puso mo. baka atakihin ka.*

pasensya na. nakakasar lang talaga kse ang mga ganung klaseng tao. ang kakapal ng mukha. kami sa pamilya namin (hindi naman sa pagbubuhat ng sariling upuan), basta makakatulong kami, tutulong kami. kamag-anak man yan o kaibigan o kahit na bagong kakilala lang. kahit sa akin na lang, sa dinami-dami na ng natulungan ko at nabigyan ko ng pabor, alam ng mga kaibigan ko yan. pero yung babaliktarin ka pagkatapos ng lahat ng tulong na naibigay? tangna. nakasasama ng loob yun. sobra.

hay… grabe.



Leave a Reply