simula na naman po ng isang semester para sa aking masters class simula
kahapon. though wala pa namang ginawa kahapon, talagang naging excited
ako na pumasok ulit. hehe.. kahit papaano eh namiss ko rin talaga ang
mga kasama ko sa masters class. (actually, sila rin ang mga kasama ko
sa opisina, pero matagal na rin akong wala sa opsina, kaya miss ko na
talaga ang mga yun! nyahahaha!)
may mga bago kaming kasama, walo
sila. tatlong guys at limang gels. may isa dun mukhang masyadong
seryoso, hehe. (cool ka lang dude, kaya mo yan. hehe..) yung iba
mukhang mga fresh grad pa at mukhang mga bata pa talaga. si matt at
ferdie lang yata ang medyo ka-age group ko dun, more or less. medyo
marami na ulit kami sa class, mukhang mas magiging masaya ang semester
na ito. though nabalitaan ko na ung isa dun eh aalis na raw (agad?!),
pupunta na raw kse ng australia. well, goodluck na lang sa kanya dun.
ang
subjects namin: automata at advanced software engineering. naks.
interesting. yung automata eh may subject na ako na ganun nung
undergrad ko, ok naman, kayang-kaya ko naman nung undergrad ko, sana
ganun din ngayon sa masters. feeling ko kasi nakalimutan ko na ung mga
topic nun. ung advanced software engineering, parang ung softeng din na
subject namin nung undergrad, pero "advanced" (?) ang topics. meron
ding mga "new trends" sa software engineering. may reporting na nga ako
agad sa May11. asteeg. meron din kaming mga machine problems na
kailangang ipasa at isang "project" an medyo mas malaking system na
gagawin as a group. (medyo expected ang mga yun)
C# ang gagamitin naming programming language. goodluck sa akin. hehe.. sana may matutunan naman ako. nyahahahah!
exciting.
very exciting. o na miss ko lang talaga siguro ang may ginagawa ulit.
na miss ko rin lang siguro ang nasa school ulit. sa May balik office na
ulit ako. kawawa nga yung team namin eh, naubos na. isa na lang ang
naiiwan, isa sa mga baguhan. yung team leader kasi namin on leave,
ikakasal na (at manganganak na yata) at ung isa pa eh nasipa raw. hindi
raw pumasa sa evaluation. kawawang nilalang. sana hindi mangyari sakin
yun. katakot.
———————————————————————
nga
pala para sa mga Tool fans dyan, malapit na po ang May 2! nyahahahah!
lalabas na ang 10,000 Days. hay.. hindi na ako mapakali sa kakaantay na
lumabas na rin agad dito sa Pinas ang album na yun.
———————————————————————-
wala lang, gusto ko lang gumawa ng linya. hehe.
Leave a Reply