wala lang.. update lang ulit.

April 10th, 2006 | Weblogs |

hay… minsan, nami-miss ko talga ng sobra ang tumambay at mamburaot sa AMACU. well, kahit papaano naman eh nag-enjoy ako sa stay ko dun. dami ko naging mga naging mga kaibigan, marami akong mga natutunan (naks!), marami akong nakilala, at maraming dumaan na mga bagay-bagay na naging mga makulay na pahina ng aking buhay sa mundong ibabaw. hehe..

pero nitong mga nakaraang pagkakataon na bumibisita ako sa AMAts eh nadidismaya ako. medyo may untis inis. may panghihinayang. masasabi ko lang talaga na noong unang taon ko lang sa paaralan na iyon ako tunay na nag-enjoy (at kahit papaano eh hindi ako nahiya na amining sa AMA ako nag-aaral) sa experience ko doon. nawala ang maraming mga magagaling na mga instructors at professors (na karamihan sa kanila eh iniidolo ko), bumaba ng husto ang enrollment rate, at talagang naging sakit sa ulo ang naging mga desisyon ng administrasyon.

kapag pumupunta ako sa AMA, ito na lang ang nakikita ko:

Cimg0592

.. at hindi lang figuratively. hehe. nakupo, baka sabihin nyo eh ang harsh ko naman masyado at nilalaait ko na husto ang dati kong paaralan. pero ang totoo, nanghihinayang lang talaga ako. that school could have been a very, very good IT school kung tama lang talaga ang ginawang mga strategy ng mga nasa itaas.

tignan  mo naman, namumrublema na nga sa sweldo ang karamihan sa mga instructors ng AMA tapos kung anu-ano pang mga commercials ang ginagawa nila. kung gusto nila ng advertisement, then promote real quality education. yung mga gradweyts mismo ang magpo-promote para sa kanila. kung sa tingin naman ng mga estudyante eh naging isang malaking bahagi ng buhay nila at naging fulfilling naman ang stay nila sa isang paaralan, hindi ba’t magiging proud pa sila na iinvite ang ibang tao na mag-aral din dun? tama? ewan..

tama na nga yan… ito na lang, pampaaliw sa ating buhay at pampakiliti sa ating isipan. hehe.

Cigarettes_mission_web

hehe.

nga pala, i found this very entertaining blogsite (galing sa links ng aking kaibigan na si aby. halu gurl!). punta kayo sa http://cofibean.blogspot.com at maaliw kayo! well, ako naaliw ng husto sa pagsususlat nya. sobra.

miss ko na rin ang buhay opisina. miss ko na mga kasama ko sa masteral. balita ko sa next term namin eh madadagdagan na raw kami. buti naman. walo na lang kse kami sa class. minsan parang nakakasawa na kami na lang lagi ang nagbuburautan at nagkakantyawan sa loob. hehe. mga tol! miss ko na kayo! nyahahahaha!

cge na. napapraning na naman ako. next time na lang ulit.



Leave a Reply