when in doubt, f*ck it.

April 21st, 2006 | Weblogs |

noong isang gabi, nagkaroon ako ng isang kung tawagin ay dilemma.

mayroon kasi akong tinatapos na isang program. isang system. kung tutuusin, simple lang ang konsepto ng system na iyon. ngunit ilang gabi na ay hindi ko magawan ng solusyon ang isang parte ng system na iyon. ilang gabi akong pinupuyat at pinapagod ng problema na iyon, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasu-solusyunan. ngayon, wala na akong gana, wala na akong drive na tapusin ang program na iyon. sayang ang pera na kikitain ko sana sa system na iyon kapag natapos ko (medyo sideline kse ang system na iyo). nagkaroon ako ng "programmer’s block" at parang hindi ko na talaga magawan ng paraan. gusto ko nang ipasa sa iba ang system. si neil namoro, sumuko sa pagpo-program. wow. sigurado akong madi-dismaya ang ilang mga nakilala ko sa AMAts kapag nabasa nila ito.

isa akong programmer by profession. gusto ko talagang maging programmer simula pa noong 1999 nung mapanuod ko yung pelikulang "Hackers" ni angelina jolie at johnny lee miller. hindi ko inasam na maging ganun kagaling nung mga tauhan sa pelikula na iyon (sa mga panaginip lang siguro, hehe, sino bang programmer ang hindi), pero gusto ko na maging isang competent na programmer. gusto ko na makagawa ng mga programs na magiging kapakipakinabang. kaya nga tinalikuran ko yung dati kong paaralan para makakuha ng kursong computer science at matuto ng mga kailangan kong matutunan para maging isang programmer.

sa tingin ko naman ay natutunan ko naman ang mga dapat kong natutunan. marami rin akong nagawa noong nandun ako sa pangalawa kong eskwelahan sa kolehiyo. hindi naman sa pagmamayabang at pagbubuhat ng silya (medyo lang siguro) eh nakakuha ako ng uno sa thesis defense ko. marami ring nagpapatulong sa akin noon na magpagawa ng kanilang mga thesis o mga case study. para sa akin kasi eh isang tulong iyon sa AKIN para ma-practice ko yung programming skills ko. alam ko na marami pa akong dapat matutunan kaya ginagawa ko lahat para may makuha akong mga bagong ideya at techniques. at ngayon nga, nagtatrabaho na ako sa isang IT solutions company at isa akong programmer doon. pinipilit ko na lagi akong may matutunan sa bawat araw na nandoon ako sa opisina na iyon.

pero, simula noong isang gabi na iyon, nagkakaroon na ako ng pagdududa kung tama ba ang pinili kong daan sa propesyon ko. pakiramdam ko kasi eh hindi ako gaanong nag-improve in the last year pagdating sa programming. leche, iisang module sa isang maliit na system eh hindi ko magawan ng solusyon, paano pa kaya yung mga modules na ibibigay sa akin sa opisina? (merong binigay sa akin na workload noong unang buwan ko sa opisina, hindi ko iyon natapos. nakakadismaya. nakakawala ng tiwala sa sarili. pwamis.) naaasar ako sa sarili ko kasi hindi ko magawan ng solusyon yung problema. naaasar ako kasi hindi ko maisip kung bakit pasulpot-sulpot yung mga errors na iyon sa system na ginagawa ko. naaasar ako kasi ilang araw ang dumaan at hindi ko man lang natapos. at ngayon, ilang araw na ay hindi ko pa rin tinitignan ulit yung mga codes nung system na ginagawa ko.

ani ng isang kasabihan, "those who can’t, TEACH." (sabi ni jack black: "those who can’t, teach. those who can’t teach, teach gym." haha.) at marami sa mga nakakakilala sa akin ang nakakaalam na gusto ko talagang maging teacher. op kors isang guro sa larangan ng computer science. simula noong nasubukan kong magturo doon sa outreach program na kung saan ako ay kasama, pakiramdam ko ay na-inlabs ako sa pagtuturo. naks. pero hindi ba dapat maging isang magaling muna ako na programmer para makapagturo ako ng maayos at with confidence sa mga magiging estudyante ko? hindi ba dapat competent ka muna sa field mo para makapagturo ka ng tama sa mga estudyante mo? kung ganun, talagang wala akong ligtas. kailangan ko pa talaga munang maging isang magaling na programmer para maging isang magaling na guro sa computer science. hay..

sabi ng kasintahan ko, wag daw ako madismaya. naniniwala daw siya na magaling daw akong programmer, na kaya ko daw matapos iyong mga dapat kong magawa. sabi niya sa akin, bago daw ako dumating sa AMAts eh wala akong kaalam-alam sa mga programming na yan, tapos grumadwyet ako doon na mas magaling pa ako sa ilang instructors doon. (iniisip ko tuloy, baka naman hindi lang talaga magagaling ang mga ilang instructors doon? hehe.) may mga kaibigan din ako na naniniwala na magaling ako. pero ang tingin ko sa sarili ko ngayon ay mediocre. wow. talk about self pity. pero yun ang talagang nararamdaman ko ngayon. hindi ko gusto ang nararamdaman ko na ito. kaya sana, malampasan ko ito.

mamaya, susubukan ko ulit na tignan yung mga codes na ginawa ko. ewan ko kung matatapos ko pa. hindi ko rin alam kung gaganahan pa ako ng tapusin yun. pero sana. sana. para kahit papaano eh hindi ko masabi sa sarili ko na nagsayang lang ako ng oras. para kahit papaano, hindi naman sayang yung bilib ng ilang tao sa akin. pati na rin ang bilib ko sa sarili ko.

pero kung hindi ko talaga matapos. hindi ko na rin alam.



3 Responses to “when in doubt, f*ck it.”

  1. forcing yourself when in not condition for somethin will drive you really crazy….. you should eat first.. hehehehe….(just sharin some secrets of mine)….. relax ok! your a neird i mean a genius… i know you can… dont give up! yes… ako ba ito! hehehehe…. ciao for now friend…. :)

  2. ei! nyahahahaha! long time no talk! miss u kiting!

  3. first things first! trust your skills and don’t lose hope. you only need more motivation and hardwork. you’ll pass that level.

Leave a Reply