noong linggo, May 14 2006, sa wakas eh naka-gradwyet na rin ako. hehe.
isang masayang selebrasyon kasama ang mga naging kaibigan ko sa 3 taong pag-stay (at pagtitiis) ko sa AMAts. isang selebrasyon ng pagtatapos ng aking pagtatapos sa kolehiyo (for my case, this would be my second try.. hehe). isang masayang araw. though, sana eh nagkaroon pa kami ng extension sa pagdiriwang ng araw na iyon ng mga kasama ko, eh mas kailangan munang ipagdiwang iyon kasama ng mga pamilya namin bago yung sa aming barkada. ang usapan eh sa next weekend na lang ang post-graduation celebration. sa isang beach resort sa cavite. hehe.
though medyo ramdam ko ang unting panghihinayang dahil ndi ako naka-abot sa listahan ng mga honors (unting points na lang at pasok na ako. hay..), eh wala na akong magagawa. kahit na alam ko na mas magaling pa ako sa ibang cum laude dun na natawag eh wala na akong magagawa. may pagkukulang din naman ako, alam ko yun. petiks talaga kasi ako eh. kahit noon pa, kahit nung elementary pa ako. kaya hanggang ngayon, petiks pa rin ako.
sa buong graduation ceremony, nangulit, nanggulo at namburaot lang kami ng mga kasama ko. overall, isang masayang pagdiriwang para sa amin. maganda rin yung speech ni sen. manny villar, natuwa talaga ako sa speech nya. ewan ko lang kung tinablan ang ibang gradwyets ng AMAts. hehe. maraming eksena. may mga nakaka-touch (ung isang scene dun sa nanay na parang kalalabas pa lang sa hospital eh pinilit na lumakad sa stage para sukbitan ng medal ang anak nya), at merong ding nakakatuwa (may isang mentally-challenged na graduate na gumawa ng eksena sa stage). merong nag-ala miriam quiambao sa stage dahil nasiraan ng sapatos. at merong isang vaklush na emcee na akala mo eh ang ganda ng pagsasalita nya onstage. hindi nya ma-gets na pingtatawanan lang sya ng mga graduates. hehe.
sayang lang talaga at hindi kami nakapag-stay ng matagal ng mga kaibigan ko para makapag-picture taking after ng graduation. lahat kse eh inip na at gutom na. kaya nagmamadaling mag-uwian. kitakits na lang siguro kami sa susunod. sa iba, feeling ko hindi ko na makikita ang mga iyon. sa mga pictures na lang at sa mga alaalang matatambak na lang sa utak ko.
para sa mga kaibigan ko na feeling ko eh hindi ko na makikita, ever, dito na lang tayo sa fwenster mag-update. alam ko na busy na tayo lahat sa mga balak nating gawin sa mga buhay natin. balitaan na lang tayo. at congratulations nga pala sa ating lahat! yebah!
para sa mga gustong makisilip sa ilang mga pictures namin noong graduation, punta kayo dito: http://imbecillesque.blogs.friendster.com/photos/graduation_na/
congrats to us!!! saya-saya!!! it was nice to see you there. ahihi. anu ba.. =)
and it was nice seeing you there too! natuwa tlga ako. ^_^
sayang lng tlga at ndi tyo nkpagkwntuhan pa ang nagkuhaan ng pictures after ng graduation. nagkagulo yta ng marealize ng mga tao na sa ibang gate tyo pinalabas. hehe.
oi! congrats! pakain ka naman! at gudlak!