matagal tagal na rin akong walang post, so magpaparamdam na ulit ako. wala naman talaga ako maisip na maisulat, pero nagbabakasakali ako ng habang nagta-type ako dito eh makaisip ako ng magandang masabi. o kahit na may masabi lang. pam-pam lang. hehe.
sa lunes, back to work mode na ulit ako. as in full time employee na ulit ako ng MISnet at part time na lang muna ako sa pag-aaral ko sa masteral. natapos ko na rin kasi ung mga dapat kong gawin (mga sideline, mga paperwork, things i got to do for my dad and the family, the outreach program, etc.) at talagang nabo-bore na ako these past few days sa bahay. hindi na ako nagiging productive, at masama akong masanay na naka-tengga lang. so yun na nga, sa lunes, back to the "6am wake up call and office hassle" mode. hehe. pero ok lang, at least may magagawa na rin ako ulit. saka may mga bagong kasama na ulit sa office, mosts probably eh madadagdagan ang saya dun.
medyo wala na rin kasi ako ng practice sa pagpo-program. mahirap ng maging stagnant, lalo na sa field na pinasok ko. mahirap ng mapag-iwanan. sa office, siguradong bubugbugin ako sa pagpo-program nito, kaya ok lang. at least napapraktis. kailangang mahasa. kailangang magpakahenyo. kailangang mag-upgrade sa version 2.0.
so goodluck sa akin sa aking pagbabalik opisina. nyahahahaha!
————————————————————————————————————-
sa may 14, graduation ceremony ng batch namin. exciting. gusto ko talagang umatend. kung hindi lang talaga sa company outing na yan na humarang sa schedula ng graduation namin. ewan ko ba. gusto kong umattend sa parehong occasion.
syempre, kahit na saan mong anggulo tignan, masarap umattend ng graduation ceremonies. hindi lang yun basta pagkakataon para masabi sa sarili mo na nakatapos ka na, isa itong celebration ng culmination ng pag-aaral mo. though medyo inis ako dahil hindi umabot ang mga grado ko para magkaroon ng honors (may isang subject na hindi umabot sa cut-off. f*ck.) gusto ko pa ring umattend kahit na may ilang makakakuha ng honors dun na alam ko sa sarili ko na mas deserving pa ako. (naks. nagbuhat na naman ng bangko ang ungas. hehe.) saka syempre, baka huling pagkakataon mo na iyong para makasama ang ilang sa mga naging kaibigan mo na mahabang panahon. call me sentimental and all that sh*t, pero totoong mami-miss natin ang mga kaibigan natin. hehe. siguradong masayang selebrasyon yun. at hindi na iyon mauulit.
pero pers taym ko itong makakasama sa company outing. siguradong masayang okasyon din ang mangyayari. though kaunti lang naman ang ka-close ko sa company (at wala akong balak na maging ka-close lahat dun. hehe.), eh alam ko na mag-eenjoy rin naman ako dun kahit papaano. at isang malaking hadlang pa itong nabalitaan ko na sisingilin daw ng 2K pesoses ang magba-backout sa outing. leche. 2k din yun. hindi yun basta-bastang halaga. diba? hay.. hassle.
hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung aattend ako ng graduation o hindi. ewan.
————————————————————————————————-
napanood nyo na ang M.I.3? kung hindi pa, panoorin nyo. asteeg. imagine nyo na lang na manunuod kayo ng 2-hour special ng "Alias", with more explosions, more SFX, more action and a very, very evil bad guy. pero hindi si Jennifer Garner ang makikita mo, kundi syempre si Tom Cruise. medyo ganun ang makikita mo kapag napanuod mo ang M.I.3. pwede na diba? hehe.
kung fan kayo ni JJ Abrams, writer, director at creator ng sikat na TV series na Felicity , Alias and Lost, well magugustuhan nyo ang kanyang big screen debut. nakakatuwa rin na isinama nya si Keri Russell sa movie na ito at binigyan nya ng action sequences ang aktres sa movie. medyo bagay kay Keri ang action movies, sana mabigyan sya ng iba pang roles sa action genre. hehe. though medyo nakakaumay ang prescence ni Tom Cruise sa pelikula (sya na ang bida, isa pa sya sa mga producers, wala tayong magagawa) at bitin sa mga gagawin ang ilang kasama nya sa team (sana more scenes kay Maggie Q at Jonathan Rhys Meyers). pero nakakabilib ang karakter ni Philip Seymour Hoffman bilang kontrabida. isa na sya sa mga peborit kong action movie villains. asteeg.
but op kors, dont take my work for it. panuorin nyo and judge for urselves. ako nagustuhan ko. mas may "human " factor ang movie na ito kaysa sa unang M.I., though hindi kasing action-oriented ng pangalawa. gusto ko ung treatment ni JJ Abrams na bigyan ng ibang perspective ang buhay ni ethan hunt bilang isang husband and hopefully a family man, not just the super spy we all saw dun sa previous M.I. lalo na ung pangalawa.
kung action movie rin lang naman ang gusto ninyong mapanuod, panuorin nyo na ito. kaysa magsayang kayo ng pera na manuod ng Submerged ni Steven "Ponytail" Seagal. hehe.
thanks neil i always love ur movie reviews. hehehe.
tlga? hmmm.. maybe i should do more movie reviews often. ^_^ kaso i havent really wathced a lot of movies lately, ndi tulad dati na every wed and sat eh nuod kao ng movie.. mahal na kse ng movies. tapos tagal pang lumabas sa video store. bummer…
nga pala, any news if may 10,000 DAYS na dto sa pinas? have been record store hopping eh. pero wala pa me mahanap. if u have news about it, hollar me back. ayt? hehe/..
the experience you’ll have on your graduation is always priceless. therefore, you should come! =) kaw rin.. sayang ang pics at ang moment. anu ba… *wink* sa bagay, anu ba naman ung 3years na pagtatapos ng kurso? at ang joy of “cramming” during our bloody thesis? haha. looking back. whew.
and sa tool? wala pa. kakagaling ko lng sa mall kahapon. hay. pinas tlga laging late! pero may friend ako galing states.. meron ciang album, binili nia ko pero matagal pa cia uuwi hehehe! kaya ndi ko pa nakukuha =( pero cguro by next week meron na yan! sana…. oh.. congrats on your work! and for beating the deadline.. ngaun pa outing-outing kanalang.