its been quite a while ah? kailan ba ako huling nag-update dito? hmm… ewan ko ba. gusto ko namang i-update, pero parang ndi ko alam ang isusulat ko. o kailangan ko pa bang isulat yung minsang naiisip ko na isulat. ewan. hindi ko alam kung tinatamad lang ako magsulat o wala na talaga akong drive magsulat. wag naman sana. bahala na.
pero dahil nandito na rin lang naman ako, sasagarin ko na.
—————————————————————————–
HARD. HARDER. NOTPRON.
the past two days, meron ako at ang ilang ofismeyts ko ang nababaliw sa isang online puzzle game na talaga namang nakaka-aliw at nakakabaliw. if kayo po ay mahilig mag solve ng mga puzzles o riddles o just want to squeeze your mind like crazy o bored lang at walang mapag-gamitan ng utak nyo, siguradong magugustuhan ninyo ang site na ito.
the puzzles are quite challenging at talagang minsan eh napapabunot na ako sa buhok ko sa grabeng hirap ng mga puzzles. pero kapag naso-solve mo naman ang bawat stage eh napaka-satisfying. as in. grabe. kahapon, imbes na makinig sa mga reporter at sa prof namin sa masteral class, kinarir ko pa rin ang pag-solve sa mga puzzles na ito.
ayon sa site, meron daw 139 stages ang puzzle na yun. nasa stage 9 pa lang ako. nyahahahaha! 130 to go! asteeg! goodluck sa akin at sa mga kasama ko na nagpupumilit na masagutan ang bawat stage na aabutan namin.
interested? punta kayo dito: http://www.notpron.com
—————————————————————–
ANG OUTING NA BINAGYO
noong may 20 at 21, nagkaroon kami ng tropa ko ng outing sa isang private resort sa tanza, cavite. maganda sana ung pwesto, malaking resort, daming rooms. kaso ang hindi namin agad naisip eh kakatapos nga lang pala ng bagyo. kaya yun, pagdating namin doon, medyo may mga kalat sa paligid ng beach. at halatang walang tao sa kahabaan ng ilang resorts na nakapila doon. noong una, parang kami lang yata ang mga "turista" doon.
pero sige lang kami, nandoon na eh. habang namalengke ang isang grupo, ang isa pang grupo naman eh naglinis ng isang bahagi ng tapat ng resort para hindi naman masyadong makalat tignan. lalo na kapag nag-picture taking na kmi. though walang gustong mag-stay sa mga rooms na nandun (sayang, apat na rooms. at isang malaking room na parang bahay na talaga) dahil "creep" sobra ang dating. parang may mga mumu ang hitsura na mga rooms. kaya pagdating nung gabi eh lahat natulog sa grand gazebo nung resort.
masarap ang pagkain namin, lalo na yung lunch nung sunday na si
kaibigang Jet ang tumira. [asteeg ka! magaling ka pa lang magluto!
nyahahahaha!] enjoy naman kami sa swimming. ang babaw kse ng tubig,
kaya kahit malayo na kami, ok lang mag-swim-swim. medyo hindi kse ako
magaling lumangoy kaya advantageous sa akin. todo rin ang bonding ng
grupo nung gabi ng sabado. though may mga ilang tinamaan sa grand-ma at
nag-streaking sa beach. hehe. mga feeling nag oblation run. hehe.
nkakatuwa rin yung gelfren nung isa kong kaibigan nung nalasheng,
sobrang kulit. nakakatuwa.
overall, enjoy naman ung lakad namin. though naging mas masaya sana kung nakasama yung mga iba pa naming ka-tropa na inimbitahan. siguro sa susunod na lang. lalo na kung malalaman nila na libre lang kami dun sa resort. pagkain lang at gas ang ginastos namin. hehe.
gusto ninyong makisilip sa naging kasiyahan namin? punta kayo dito: http://imbecillesque.blogs.friendster.com/photos/cavite_outing/
——————————————————————————————
DA VINCI CODE
last week, nag-showing ang isa sa mga pinaka-inaabangan na movie ng taon. ang pagsasapelikula ng napaka-kontrobersyal na librong "The Da Vinci Code."
nabasa ko yung libro. mejo matagal na. nag-enjoy naman akong basahin yung libro. talagang page-turner. hindi ako pinatulog. kiniliti ang aking isipan. talagang nag-research pa ako noon sa wikipedia at ilan pang sites para sa ilang mga detalye sa libro na hindi ko talaga alam. ganun ako sobrang na-imerse sa kwento. in short. gusto ko yung libro na iyon. though hindi talaga ako naging fan ni dan brown. after ko mabasa ang angels and demons, nairita ako ng kaunti dahil sa parehong istilo ng plot nung 2 libro. (isang babae, namatayan ng father/father figure, tutulungan ng isang bidang lalake, at lalabanan ang isang secret society o organization. nalaman ko na halos ganun din ang plot nung iba pa nyang libro. shucks.)
so eneweis. medyo nabwiset din ako nang malaman ko na binigyan ng r-18 rating ng mga ilang konserbatibong ek-ek na mga tao sa mtrcb ang pelikula. ibig sabihin, hindi ito maipapalabas sa mga SM malls. bummer. ibig sabihin, lahat ng taong gustong manuod nung pelikula (which i assume na marami, at marami nga sila) eh magsisiksikan sa iilang malls na magpapalabas nito. nalaman ko rin na banned ang pelikula sa City of Manila. syet.
narinig na nating lahat ang mga komento tungkol diyan. basta ako, alam ko at ng marami pang iba diyan na ang libro at kwento nito at FICTION. makikita ito sa fiction section ng lahat ng bookstore. ibig sabihin hindi totoo. isa itong entertainment medium. pipol dont have and dont need to take it seriously.
baka raw maka-apekto sa pananampalataya ng mga tao sa kanilang diyos at simbahan? wow. ganun na ba talaga katanga ang tingin ng ilang namumuno sa simbahan sa kanilang mga miyembro? na feeling nila eh dahil sa isang pelikula eh biglang babaliktad ang pananampalataya ng kanilang mga miyembro? kung ganun nga ang tingin nila, hindi yung pelikula ang may problema, kundi ang sarili nilang sistema. kung kumpyansa sila sa kanilang ibinabahagi na kaalaman at pagpapaliwanag sa kanilang mga miyembro, walang silang pangangambahan. wag naman sana nilang gawing parang mga tanga ang mga tao. na parang akala naman nila eh hindi kayang mag-isip ng mga tao para sa sarili nila.
people dont have to be sheep. people have to think for themselves. and they should not be afraid to question anything, to question authority. sabi nga ni thomas jefferson "question everything with boldness, even the existence of god. for if there be one, he must more approve of the homage of reason than that of blindfolded fear."
well, enough of that. so ano nga ba ang tingin ko sa pelikula? tutal un naman talaga ang gusto ko sanang tumbukin, nadala lang ako ng akong emosyon. hehe. well.. i had mixed feelings dun sa pelikula. mahirap talaga kasi kung masyado kang nag-expect. masyado mo na agad inaangat yung pelikula kahit bago mo pa man mapanuod. kaya kapag ndi umabot sa expectation mo, madidismaya ka.
so ano ang tingin ko? ok naman. pasado naman. pero nandun yung pakiramdam na it could have been so much better. the book was such a great read and it has the elements of a great suspense/action/mystery movie.
oo may mga suspense sa movie, lalo na kapag ung mga scences na ni Silas. pero for the rest of the movie, parang walang hook. si tom hanks? hindi tlga sya bagay as action hero. langdon was described sa libro na "harrison ford in a tweed jacket." hindi ko iyon nakita. siguro ako lang yun. siguro dahil from the start eh naisip ko na hindi bagay si tom hanks dun sa role. ano kaya kung si russel crowe ang gumanap? hmmm… mystery? maraming misteryo ang pelikula. iyon ang nagpatakbo sa buong movie. very loyal sa book ung mga scenes tungkol sa mga riddles at puzzles na kailangan nilang i-solve. doon, at least nag-enjoy ako. lalo na yung scenes kung saan ini-explain ni Ian McKellen ung mystery tungkol sa holy grail. parang mas naintindihan ko kaysa nung binasa ko lang. galing kse nung visual aids nya. high tech. hehe.
sa characters, lets see… unang una, WALANG chemistry si tom hanks at audrey tautou. as in wala. nadah. zero. pffft. syet. tinangal nila sa movie ang buong romance premise between langdon at sophie. siguro naisip na rin ni direk ron howard na hindi talaga sila bagay. hehe. hindi ko trip si tom hanks as langdon. tapos. si audrey bilang sophie, ok sya. gusto ko sya. kahit dun sa mga una niyang mga movies. pero ang nagustuhan ko talaga eh si paul bettany bilang silas at ian mckellen bilang sir teabing. asteeg si paul bettany bilang silas. nakakadala ang ka-weirduhan ng character nya. nakakatakot. at talaga namang napa-ngiwi ako nung hinampas nya yung madre. at kapag hinahampas nya ang sarili nya. grabe. at si sir ian mckellen, bagay sya dun sa role. talagang nabigyan nya ng magandang potrayal. at mukhang nag-eenjoy sya sa character nya. as always naman yata itong si sir ian mckellen eh sa kahit na anong role, mapa-gandalf man o magneto. hehe.
so yun nga. overall, it was ok. ok lang. and it could have been better. hindi ko ma-gets kung bakit nagka-ganon. and to think na acadamy award winner ang director, screenplay writer at lead actor. wow.
——————————————————————–
haba noh? sige na nga, tama na muna ito. til next time! ciao! hehe.
Leave a Reply