fever dog.

June 12th, 2006 | Weblogs |

hay.. finally, natapos din ang trangkasong naging pahirap ng aking weekend.

honestly,
i dont like it when i get sick. especially when i get the flu with very
high fever. my body just breaks down. my head aches. my body aches. i
cant get off the bed. can eat right. cant sleep right. good thing those
three-day flu season was over.

at ang pinaka-ayoko kapag
nagkakasakit ako eh nagugulo ang takbo ng utak ko. nagigi akong
paranoid, mabilis ako magalit at nagha-halucinate ako. tama po,
naghahallucinate ako. hehe. naaalala ko nung bata pa ako, merong one
time na sobrang taas ng lagnat ko, at dun ako sa room ng parents ko
nag-stay para mamonitor nila ang status ko, meron akong nakikitang
lalake sa bintana ng room ng parents ko. labas pasok ung lalake sa
room, parang magnanakaw. so akala ko nga magnanakaw, kaya sumigaw ako
ng magnanakaw. pero wala naman pala talagang ibang tao dun. asteeg no?
kung anu-ano nakikita ko kapag mataas ang lagnat ko, grabe. minsan
naiisip ko nga na baka nabubuksan ang third eye ko kapag gumagrabe ang
lagay ko. hehe. ibang klase.

kung hindi naman ako
nghahallucinate, weird naman ang mga panaginip ko. meron akong mga
recurring dreams na dumarating lang kapag nilalagnat ako ng grabe.
basta kapag mataas na lagnat ko, madalas bumabalik ako sa setting nung
mga dreams na yun. hanep. siguro praning lang talaga ako. tapos kung
kailan hindi na napipigilan ng katawan ko yung takbo ng utak ko dahil
sa sakit, lumalabas ang ka-weirduhan ko.

anyhu.. tapos na yun.
buti nga ngayon eh hindi masyadong mataas ang lagnat ko, feeling ko mga
43 degrees pa lang yun. kayang-kaya. ang problema ko na lang eh sobrang
sakit ng katawan ko. ang sarap magpamasahe nito. hehe.



Leave a Reply