after ten days of grueling (naks! parang totoo!) Java training, ito po ay natapos na. how sad. hehe.

may natutunan ba naman ako? hindi ba nasayang ang pera ng kumpanya para ipadala ako sa training na yun? hindi ba nasayang ang pagpasok ko na maaga araw-araw (no voilent reactions, pls.) sa training na yun? well. oo. hindi. hindi. hehe.

may natutunan naman po ako. pwamis. mas naging malinaw na sa akin ang arkitektura ng Java at maraming theoreticals ng Java programming. nagkaroon din ako ng ekperyensya sa pagsusulat ng ilang mga Java programs. medyo nagkaroon na rin ng linaw sa akin ang principle ng inheritance sa Java at ilang aspeta ng paggamit ng mga servlets (na talaga namang hindi ko ma-gets dati sa isa naming subject sa masters) at ng Struts architecture. naks. pero hindi pa po ako isang eksperto pagdating sa Java. novice pa rin po. bagito. greenhorn. marami pa akong kakaining bigas. hindi ko pa ka-level si master ver. marami pang praktis ang gagawin ko para maging magaling sa pag-gamit ng Java.

actually, napatunayan ko na  marami pa akong kailangang pag-aralan sa Java na yan kanina lang. nagkaroon kse kami ng mock exams ng Jitse Java Certification Exam. parang sample test. ayun, pasang awa lang ako. hindi katulad nung mga kasama ko from office na ilan lang ang mali. talagang malaking factor ang meron ka nang actual software development experience kse nahahasa ang analytical at logical thinking mo, na talaga naman pong kritikal para sa larangan na ito. medyo na disheartened ako kanina sa result nung exams. bigla akong nadismaya. pero sabi ng bebeh ko, wag daw akong mawalan ng pag-asa. naniniwala daw sya sa kakayahan ko. so sige lang, laban pa. gagalingan ko pa. hay..

pero all in all, nakakatuwang experience. maraming bagong natutunan, marami pang kailangang aralin. may mga bagong nakilala, at maraming hindi nakilala. libre ang pagkain (2 merianda at isang lunch) at magaganda ang lecture materials. at syempre sa lahat, magagaling namang talaga ang aming mga instructors. mami-miss ko talaga si watanabe-san at alex-san. arigato gozaimasu watanabe-sensei, alex-sensei! asteeg kayo! \m/

so next week, bak to da opis naa ulit ako. may project na kayang nag-aabang sa akin? sana hindi ako pagreportin ni ma’am ging tungkol sa training. hehe.



Leave a Reply