hay..

tagal ko na ring hindi nkakapagsualt ulit dito ah. ewan ko ba, hindi naman sa wala ng nangyayari sa buhay ko, parang hindi ko alam kung ano ang isusulat ko. parang kahit na andami namang nangyayari na pwede kong i-kwento dito eh hindi ko na lang ginagawa. naisip ko kse, ano naman ba ang pwede kong maisulat dito na pwedeng maging interesting para basahin ng ibang tao? yung mga nangyayari sa pang-araw-araw na buhay ko eh ginagawa rin ng karamihan, so bakit pa nila babasahin ang mga nakasulat dito.. tama?

tapos maaalala ko kung bakit nga ba ulit ako nagsusulat dito. nagsusulat ako dito hindi lang para may mabasa yung mga kaibigan kong tambay ng worldwideweb, nagsusulat din ako dito para sa sarili ko. nagsusulat ako kasi gusto kong magkaroon ng isang lugar kung saan pwede kong masabi ang gusto ko at ang iniisip ko ng walang pakundangan sa sasabihin o iisipin ng iba. basta sulat lang ng sulat. eh ano kung hindi interesting ang buhay ko, ganun din naman ang karamihan. nyahahahahaha! ^_^

##################################################

ngayong buwan, 5 months na ang lumilipas simula ng lumisan ang tatay ko. limang buwan na, pero ang pakiramdam ko eh parang nung nkaraang buwan lang. madalas ko pa rin naiisip si tatay.  madalas ko pa rin naaalala yung mga huling sandali na nakausap ko sya. naasaala ko na takot talaga sya nun, masama ang pakiramdam, nanlalamig. pero ni sa panaginip hindi ko naisip na matatapos ang araw na iyon na hindi na namin sya makakasama. pucha talaga.

noong mga unang linggo since nawala si tatay, parang hindi totoo. kapag gabi, parang inaantay pa rin namin syang bumalik galing sa trabaho, pero walang darating. makikita ko ang sasakyan nya sa tapat ng bahay namin pero wala sya sa loob nun. every now and then, tatamaan ako ng sobrang lungkot, magsisikip ang lalamunan ko kapag naiisip ko ang nangyari. kahit ngayon, habang sinusulat ko ito, parang gusto kong maiyak, para lang lumipas ang lungkot.

grabe ang lungkot at sakit. lalo na para sa nanay ko. hanggang ngayon, hirap pa rin syang matulog sa gabi at laging malungkot. every now and then maiiyak. hindi ko sya masisi, mahirap pala talaga kasi ang ganoon. kung kami ngang mga anak ni tatay eh nasasaktan, paano pa kaya ang asawa?

lately rin, nagiging masyado na akong nadadala sa mga malulungkot na istorya sa mga pelikula at palabas sa tv. kapag may mga scene na tungkol sa mga mahal sa buhay na lumisan, talagang "Lake House", hindi naman sya nakakaiyak na pelikula, pero yung scene kung saan namatay yung tatay nung bidang lalake dahil sa heart attack, tangna, naiyak talaga ako. hindi ko na lang talaga napigilan. nitong nakaraan lang, napanood ko yung musical na "Rent", nung namatay si Angel sa movie, ganun din, hindi na rin lang napigilan (dala na rin cguro nung napakagandang pagkanta nung mga tauhan, ganda nung kanta, grabe). ganun pala talaga yun.

hindi ko alam kung kailan darating yung panahon na maaalala ko ang tatay ko at hindi na ako malulungkot o masasaktan o maiiyak.

############################################################

nitong mga nakaraang buwan, medyo nagkakaroon ako ng dilemma tungkol sa aking professional career (naks, parang mewon ako nun ah. hehehhe) dahil sa parang hindi ko maisip kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa career ko. actually, nakapag-decide na ako na magtuturo na talaga ako in the future, tatapusin ko na lang talaga muna itong masteral ko kasabay ng pagkuha ng experience sa software development. pagkatapos nun, go go go na ako sa pagtuturo at dun sa pagtatayo ng sariling business.

pero meron din akong na-realize lately kung bakit ako hindi na masyadong makausad sa aking kakayahan sa software development. na-realize ko na wala na yung dati kong "passion" na matuto pa ng husto, yung drive na nararamdaman ko noong nagsisimula pa lang akong matuto at gumawa ng mga software nung nasa college pa ako. syempre gusto ko pa rin gumaling, alam ko yun at kailangan kong gawin. naisip ko na yung pagkakaiba kung bakit ako ganito na ngayon. dati kse GUSTO ko, ngayon KAILANGAN ko ng gawin. dati todo ako sa mga ginagawa ko kasi nag-eenjoy ako, at sa bawat bagong natututunan ko lalo akong nai-excite pa ng gumawa ng bago. ngayon, ang lagi na lang pumapasok sa utak ko eh kailangan kong matuto pa kse kailangan sa trabaho. totoo naman, kailangan talaga, kundi, matatanggal ako sa trabaho ko, kaso nauuna na yung pressure kaysa sa kagustuhan ko na makagawa ng bago at kapaki-pakinabang.

doon sa unang project ko, kahit na nahihirapan ako, sa bawat nagagawa ko eh natutuwa ako. pero ngayon, wala pa akong bagong project, nararamdaman ko na yung pressure. naiisip ko kse, matagal na akong petiks, malamang iniiisip ng mga tao eh pinag-aaralan ko yung mga kailangan para magawa ko yung mga dapat kong gawin para sa project kung saan ako itatalaga. (lecheng vendavo naman kse yan, wala akong maintindihan sa actual na customization! puro theoreticals lang! yun lang yata ang natutunan ko sa vandavo training, theoretical! waaaaa!)

hay.. so hindi talaga ako pressure player as i thought before? naaalala ko kse nung thesis namin, kahit na sabog sabog na kami at malapit na ang deadline at marami pang kailangang gawin, kinaya ko at hindi ako napraning. may lakas ng loob pa ako para manuod ng sine at tumambay days before ng defense. ngayon,  iniisip ko pa lang yung mga project na darating, napa-praning na ako. dahil kaya alam ko na wala akong alam sa ipapagawa nila? hehe. malas ko naman. sana talaga sa .NET na lang nila ako nilagay. huhuhu.

hay.. at least alam ko na ang problema. the next step now is to address the problem. need to re-energize myself. hmmm… paano ko kaya gagawin. abangan ang susunod na kabanata.



Leave a Reply