mga kwentong paglalakbay.

July 1st, 2006 | Weblogs |

ako, trip na trip ko ang mag-commute (the play on words was unintentional). ewan ko sa iba sa inyo, pero ako, sobra. i find some kind of kick sa pagsakay at paglalakbay sa aking patutunguhan sa pamamagitan ng mga jeep, FX, bus at ang ever fabulous MRT.

isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko ang nagku-commute eh dahil sa nagkakaroon ako ng pagkakataon na makapag-muni-muni sa mga bagay-bagay. kapag nasa loob na ako ng sasakyan, jeep man o FX o bus o MRT, at nakatitig lang ako sa labas ng bintana, nakakapag-isip ako. yung mga agenda for the day, mga dapat gawin, mga pangarap, mga problema. kung may away kami ng bebeh ko, nakakapag-isip ako ng mga paraan para masolusyunan yun kapag nasa byahe ako. may kakaiba akong peace of mind, na madalas eh nakukuha ko lang kapag bago ako matulog, na nakukuha kapag bumabyahe ako. yung pagko-commute eh nagiging isang paraan sa akin para makapagmeditate.. or something to that effect. para akong biglang napupunta sa sarili kong mundo. hehe. op kors it helps me to focus kapag nakikinig ako sa mp3 player ko pero ok rin na kahit wala.

kapag nagko-commute ako at hindi ako nagmumuni-muni, natutuwa ako na pinagmamasdan yung mga tao na nakakasabay ko sa sasakyan. pero syempre discretely ko lang ginagawa, baka mapasama ako. hehe. natutuwa ako na nakikinig sa mga usap-usapan nila, nakikinig sa mga tsismisan nila, mga kwentuhan. evesdropping to the max. hehe. meron akong mga nakakasabay na mag-syota na nagbobolahan. meron na rin akong nakasabay na dalawang lalake na nagtatalo kung ano ba talaga ang basehan ng pagiging isang "artist". o kaya mga empleyado na pinag-uusapan ang nangyari sa araw nila sa loob ng office. minsan naman mga kabataang nagkukwentuhan ng mga kuro-kuro nila tungkol sa napanuod na pelikula o napakinggang banda o ang current na sitwasyon na lipunan. iba-ibang mga tao, iba-ibang mga kwento.

pero minsan, tahimik lang ang mga tao na nakakasabay ko, at kapag ganun, madalas hindi ko maiwasan na isipin ko kung ano rin kaya ang iniisip ng mga ito habang nakatitig sila sa kawalan ng mabilis na dumadaang kapaligiran sa labas ng bintana ng sasakyan. praning ba? hehe. para ka na ring nanunuod ng reality tv, diba?. pero ito, uncut, raw, at harap-harapan. may exciting diba? mas "reality tv" kaysa sa PBB.

ang pag-commute din ay isang challenge. parang isang part sa takeshi’s castle na kailangan mong malampasan para makarating ka sa susunod na stage. lalo na kung ang pag-commute mo eh madalas sa rush hour ng umaga at hapon, wow man! makikipag-agawan ka sa pwesto sa jeep, makikipagtulakan at siksikan sa mga nag-aabang din ng mga masasakyan. though bihira na ako maka-experience ng ganito kse 9am ang pasok ko sa office at mejo lampas na ako sa siksikan ng mga tao sa lugar namin. pero nung hayskul pa ako, grabe, dyoskopo! talagang bakbakan sa agawan ng pwesto. wala ng poise poise para sa mga babae kung makipag-unahan sa pwesto. kapag wala na talaga, sabit na lang. nung hayskul ako, batak ako sa pagsabit sa mga jeep. naaalala ko pa ung isang instance na nakasabit ako ng isang kamay habang yung isa eh nakahawak sa gitara na dinala ko sa skool. nakasabit ako nun from espaƱa, manila hanggang central avenue, QC. asteeg.

ganyan din kapag sumasakay ng bus, lalo na yung mga byaheng north papuntang bulacan. kapag minalas ka, dun ka na lang sa pinto nakasabit. naranasan ko na rin ang sumabit ng ganun nung pumapasok pa ako sa AMAts. ang mahirap sa bus eh kapag sobrang siksikan tapos nasa likod ka, talo-talo at galit-galit lang muna para lang makalabas ng pinto. sa mga sumasakay ng FX, bihira ang ganitong eksena. most of the times kse eh may mga pila sa FX. sosyalan. hehe. pero ang pinaka talaga sa ngayon eh ang MRT (at LRT na rin. bihira kse ako sumakay sa LRT eh). lalo na ngayon na hiniwalay na nila ang mga babae sa unang dalawang cars ng MRT, sus! talagang grabe ang siksikan sa mga sumunod na cars. sarsa na lang at sardinas na! nyahahahahah! at magtutulakan pa yan, na akala mo eh wala ng susunod na train. at kapag pauwi naman ang byahe mo, kasama sa siksikan ng mga tao eh ang masangsang na amoy ng ilang mga makakasabay mo dahil galing sa bakbakang trabaho. asteeg. minsan dala nga ako ng gas mask.

pero kahit na ganyan kahirap madalas ang pagko-commute, ok lang. yung pagsabit sa jeep? isang form na rin ng exercise yan para sa biceps. tama? saka bihira na talaga na maranasan ko yung ganyang eksena sa pagsakay ng jeep galing sa amin, so ok lang. at dahil sa mejo maaliit ako, madaling makasingit sa loob ng MRT, may advantages din ang pagiging isang hobbit. hehe. wag nga lang maiipit ng mga dambuhalang lalakeng nagtutulakan, lalo na sa Cubao station.

at ang mga ilang inconveniences na yan eh hindi ko na masyadong pinapansin lalo na at nakapwesto na ako ng maayos at nagsisimula na ang paglalakbay na gagawin ko.



5 Responses to “mga kwentong paglalakbay.”

  1. ur damn ryt!
    same point of view tau…

  2. hehehe.. alam ko namang hindi ako nag-iisa…

  3. haha. naalala ko 2loy ung dalawang batang kumakanta sa jeep ng song ng MYMP. nagtatalo cla sa lyrics, ang lakas nila kumanta pareho naman clang mali. hehe!

  4. hehehe.. may mga ganyan din akong nkakasabay.. funny pipol ^_^

  5. simpleng manlalakbay
    i know the feeling

Leave a Reply