wow.. medyo naging matagal ng panahon ang lumipas mula ng huli akong
naging "busy" sa pag-update ng blogsite na ito ah. ewan ko ba, madalas
pagod na lang talaga akong dumarating dito sa bagay at pakiramdam ko eh
hindi ko na kayang gumawa ng kahit na ano pa… ikaw ba naman ang umupo
sa tapat ng computer maghapon sa opisina at gumawa ng WALA. aba, sino
ba naman ang hindi mapapagod nun. hehe..
hmm.. so ano na nga ba ang pwede kong maikwento?
well,
SA WAKAS eh meron na akong project sa opisina. (wohooo!) natapos na rin
ang mga araw ko na hindi ko alam ang gagawin ko sa opisina, ang
tumunganga sa tapat ng pc o tumunganga sa tapat ng pc. kahit na hindi
ako napunta sa project na gusto ko, ok lang. mas maganda na ito kaysa
sa wala. sabi nga nila, beggars can’t be choosers. not that i consider
myself as one, pero gets nyo na yun. hehe. mejo kabado nga lang ako
dahil feeling ko eh hindi pa ako ganun ka ready para sa project na
ito.. hindi naman kasi ako henyo sa Java (sana talaga, pero hindi) at
iyon ang para sa tingin ko na prerequisite ng project. isang HENYO sa
Java. at hindi ako yun. hay.. pero todo-support naman sa akin ang bebeh
ko at ang ilang mga kaopisina ko. sana i wont let them down. simula na
ng bagong kalbaryo. kaya ko ito! aja!
ano pa ba? hmm.. i think i
really need to repaint my room. this yellowish color my brother painted
to my walls when he and his girlfriend use to "live" in my room is
already hurting my eye. i’ll go back to green, i think. come to think
of it, i think my room really needs some renovation. i have been
planning on putting make-shift shelves to one wall for all my CD’s and
books (naks, parang andami ko nun ah.. hehe). and probably get some new
posters too! and those things where you can hang your pants and stuff.
and a new trash bin. (somebody "trashed" my trash bin. hay.. bunch of
savages in this house. hehe.) and finally fix that exhaust fan that has
been installed in my room! and.. wait those are too much work to be
done? hay.. just probably do it next time. hehe.
these past
weeks, wala akong masyadong napanood na magagandang movies. except for
The Devil Wears Prada, wala na. at kung ndi nyo pa napapanood yung
"Prada", panoorin nyo, ganda. its funny, its about fashion, its about
tyrannical bosses, and its funny! sobrang nakakatuwa si meryll streep
sa movie na ito. hindi lang pala pang drama ang galing nya, ayus din sa
comedy. si anne hathaway? well.. so and so. pero si stanley tucci at
ung british actress na yun na hindi ko maalala ang pangalan, they were
great too! laging nakakatuwa ang nangyayari sa screen kapag nandun ang
mga characters na yun. hehe. want to have some good time sa moviehouse,
watch Prada, kung showing pa. showing pa ba?
aside from Prada,
wala na yata. Snakes on a Plane? ewan ko, i have mixed feelings, kaya
hindi ako nagdecide na panoorin sa sinehan. i mean c’mon, a crimeboss
ordered to put dozens of poisonous (chemically-enduced) snakes on a
plane just to kill a witness. how more stupid can the plot be? ewan ko.
b-movie at its finest i think. hehe. siguro sa dibidi ko na lang
panuorin, kapag meron na. Little Man? ewan ko. i had enough of those
wayan brothers. white chicks from 2004 was already pushing it, at
ngayon ito naman? puhlease. and not that i have something against toni
gonzaga and sam milby, but i dont think i want to spend 120php to watch
cheesiness from those two. yuck.
ahh.. and i also have been
playing Fallout 1 & 2 ulit these past days. hay.. how i missed the
good old days of GREAT pc-rpg. planescape: torment, baldur’s gate,
icewind dale and yes the fallout series. puro nalang shooter games at
RTS ang lumalabas sa mga pc games ngayon. at ang ilang magagandang rpg
eh mga MMO naman.. MMO = gastos eventually. hehe. how i wish game
studios would produce more engaging and involving rpg’s. i heard
Oblivion is kickass.. kaso mabigat ang requirements.. kapag meron na sa
aming local pirate store, bibili ako. nyahahahhaha!
so i guess
yun na nga lang muna.. feeling ko ang haba na naman ang pinagsusulat ko
na kung anu-ano dito eh. hehe. sana mkapagupdate pa rin ako sa mga
darating na araw. update ko nga dito mga pasakit na dadanasin ko sa
bago kong project sa office. nyahahahhah!
HOY!!! sundin mo kasi ang payo ko para gumaling ka sa JAVA! kumain ka ng JAVA RICE!!! nyahahaha!!!
ano na balita sa iba? paramdam ka naman.. hehe!!
hehe.. puro java rice na nga ako ngayon eh.. pero hindi na ako kumakain ng pork netbeans. hehe. eclispe na ang gamit ko ngayon. mas mabilis eh..
ung iba? u mean si ver, jest at carla? ayun.. mga pasaway pa rin! nyaahahahhahh!