nyahahahahahahha!
wala lang.. gusto ko lang tumawa na parang isang kontrabida sa pelikula. bored eh. hehe. ^^,
tagal ko na namang nawala ah. ewan ko, araw-araw naman akong naka-tapat sa kompyuter, pero ndi ako magkaroon ng tulak para magsulat. parang wala na akong maisulat. kse baka magsulat lang na naman ako ng tungkol sa wala. parang ngayon, wala na naman akong maisip na maisulat, pero nagsusulat pa rin ako… ayan.. sige, type pa.. type pa.. hehe..
oo nga pala, tuloy na tuloy na ang balak namin na magkaroon ng sariling kompyuter shop. kakalabanin na namin ang iba pang sandamakmak na kompyuter shop sa lugar namin. hehe. (humanda kayo! kukunin na namin ang mga suki nyo! bwaahahahahaha!) nakuha namin yung pwesto ng dating shop ni klaudia koronel (yes, that klaudia koronel. hehe.) aalis na kse sya papuntang ibang bansa kasama ng kanyang magiging asawa. so kinuha ko na yung chance, maganda kse yung pwesto nya. sa opening ng shop namin, imbitado kayo! libre internet at gaming buong araw! sa opening lang ha, sa succeding days eh may bayad na. op kors. saka yung shop eh lalagyan din namin ng snack bar, para hindi nagsisiksikan sa loob ng kompyuter shop ang mga tao, saka malakas daw ang kainan sa lugar na yun dahil maraming estudyante. hehe. goodluck na lang sa aming kompyuter shop/snack bar, sana eh tiba-tiba ang kita namin sa plano naming ito. hehe. kakaririn ko na ito!
sa opisina eh patapos na rin ang project kung saan ako na-assign. kanina sa meeting namin eh dalawang issue na lang dun sa application ang kailangang maresolbahan at ok na. parang ambilis. hehe. though mejo nahiya naman ako dun kay bosing pete kse nung kasagsagan ng project eh panay ang OT at overnight nila sa opisina, ako eh bihira lang. minsan kse eh kung ano lang ang binigay na task sa akin eh yun na lang. tinatapos ko na sa araw na iyon. wala namang angal si bosing sa mga codes na gawa ko, so i guess ok lang. hehe. ano kaya next project ko? hmm.. sana java ulit na application. o kya sa .NET team naman.. sana ndi talaga ako malagay sa vendavo projects.. hay.. ewan ko ba.. ndi ko talaga "feel" dun. hehe.
ano na bang magandang palabas sa pelikula ngayon? huli kong napanuod pa eh ung "Step Up", trip kse ng bebeh ko, so pinanuod namin. mahilig kse sa mga sayawan yun eh. ok lang naman, though basang basa mo na yung istorya, walang pinagkaiba sa iba pang "inspirational" movie na sayawan ang tema. ngayong week kaya, ano kaya magandang mapanuod.. hmmm… matumal kse ang labas ng mga pelikula ngayon.. hay..
blah blah blah…
start na nga pala ng fourth quarter namin para sa school year na ito sa masteral program. wow, ganun-ganun lang eh pang apat ng quarter. may natutunan na ba ako? parang wala. hehe. yung mga kasama ko siguro meron.. ako, ndi ko sure. interesting naman ang mga subject ngayon term, advanced object oriented programming saka data warehousing. sana this time eh mag-enjoy naman ako, yung last term kse eh mejo boring.. no offense sa mga instructor, pero wala eh.. hehe.
blah blah blah..
so yun, update lang. as if naman may nagbabasa nito eh noh? hehe. wala lang.. pang archive lang.. para pagdating ng araw na wala akong mabasa, punta na lang ako dito. hehe. sige, kitakits. aja!
malamang .Net na next project mo kasi wala na ako nyahahahahahahahahaha!
eh hindi nga yata ako nilagay dun! huhuhu.. si mat dun eh.. kasama na nga sya dun sa training.. saka ung dalawa sa batch 3.. pero ako! ako! ndi nila ako sinama! leche! waaaaa!